Chapter 61

1906 Words

Para akong dinudurog nang pinong-pino habang nakatingin sa buong mukha niya. Sa bawat pagkibot ng mga labi niya na parang pinipigilan ang pagbuhos ng emosyon sa harapan ko ay nasasaktan ako. Awang-awa ako sa nakikita kong hitsura niya. Gusto kong paniwalain ang sarili ko na mayroon lang hindi magandang nangyari sa company outing nila kaya siya ganito ngayon, ngunit hindi ko magawa. Bakas sa buong mukha niya na nahihirapan siya at nasasaktan. At alam ko na alam na niya. Malakas ang kutob ko na may alam na siya sa pagkakamaling nagawa ng asawa niya kahit na hindi ko alam kung papaano nakarating sa kanya nang ganito kabilis. Pero sa loob-loob ko ay pinipilit ko pa rin na may nangyari lang na hindi maganda sa company outing. Baka mayroong nagka-emergency kaya kinailangan na nilang umuwing l

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD