Bago ko pa man maabot ang sandigan ng upuan ay mabilis na itong nahila ni Hendrix para sakin. Balak ko sana itong iwasan o ang lumipat na lamang sa kabilang banda ng mesa ngunit nahagip din ng mata kong nakatingin si Mama sa akin kaya napilitan akong maupo na rito. Natakot akong tingnan si Hendrix. Naaalala ko lamang ang mga araw na nagkakasabay kaming lahat sa hapag, kung paano sila kabahan sa harapan ni Hendrix, o kung paanong napupuno palagi ng tawanan at biruan nila ang aming oras sa pagkain. I never thought that I could sit in a table with him again, and even together with my family. I almost forgot how it felt to eat with him. Pinipilit kong mainis, iyon ang sigurado ako. Subalit alam ko at sigurado rin akong may sayang lumulukob sa puso ko ngayon. Nasa kabisera si Papa habang n