Minsan hindi ko na maiwasang mapatanong sa sarili kung bakit ganito nalang kalaki ang takot nila kay Hendrix. Gaano ba ka-grabe ang naranasan nila sa mga kamay niya? O gaano ba kalupit si Hendrix bilang boss nila? Hindi na naman maguhit ang kanilang mga mukha nang pumasok kami sa kwarto. Mistulang dinaanan na naman ng anghel dahil sa biglang pananahimik. Mabilis na iniwas ang mga tingin at tanging ang doktor at si Gavin lamang ang nanatiling nakatingin sa amin. Gavin glanced at our hands, he then smiled. Siguro naisip niyang nagkabati na kami ni Hendrix kaya gumanti rin ako ng ngiti. Lumakad ako para sana lapitan na siya at kamustahin ang sugat nito ngunit hinila naman ako pabalik ni Hendrix sa kamay kong hawak niya pa rin. Bago pa ako makapagsalita ay nagpatiuna ito sa paglapit