Nagsisikuhan sila habang sinisilip si Hendrix na nasa loob pa rin ng sasakyan nito. Nakababa ang bintana ng sasakyan niya at dahil kakatawag lang nito kay Athena para ipaalam na nakarating na sila, parang sasabit na sa tenga niya ang mga sulok ng labi dahil sa pagngiti. This is the first time that they saw him smiling like this too. Nasa tapat sila ng isang abandonadong warehouse. Ito ang lugar na tinext kay Hendrix ng hindi kilalang numero. Kung paano nito nalaman ang kaniyang contact number, nangangahulugan lamang na ang salarin ay isa sa mga tauhan niya, mas lumalaki lamang ang ebidensiyang nagtuturo sa posibilidad na si Will nga ang may kagagawan ng mga nangyari. “What’s the plan?” Tanong ni Gavin nang makalabas na ito ng sasakyan. Sandali niya muna nilibot ang paningin sa