Late Nagmadali ako sa pagbalik sa shotgun seat kung saan ako nakaupo kanina. As if on cue, the door beside me opened. Sumalubong sa aking ilong ang amoy ng pabango ni Gavin. Dumungaw ito sa amin at kung halos talampakan lamang ang naging distansiya sa pagitan namin. Matamis akong ngumiti sa kaniya ngunit ang matiim niyang titig lamang ang sumalubong sakin. “I’ll be…” Saglit itong sumulyap sa aking mga labi, “Right above you.” Nang ibalik na niya sa aking mata ang tingin ay nangunot ang noo ko sa pagtataka sa sinabi niya. Lumingon ako kay Hendrix upang humingi ng sagot subalit ang mga kakapasok lamang naming pasahero sa likuran ang nagbigay sakin niyon. “He will watch us from above, Athena. Magiging delikado kung magdadala tayo ng maraming sasakyan at para makasigur