First I was speechless or maybe I was just too scared to speak. Meron namang nais sabihin ang bibig ngunit takot ang isip. Base sa higpit ng hawak niya palang kasi sakin, sa mabibigat niyang yabag, sa bilis ng kaniyang lakad, alam kong hindi pa rin naiibsan ang galit niya kahit na nakaalis na kami ng warehouse at ngayo’y nasa bahay na. Nang marating namin ang kwarto agad niya akong binitawan at malakas na sinarado ang pinto na pakiramdam ko ay parang nag-crack na ang pader sa gilid nito. Ngunit hindi. It was just Hendrix’s fury. The fury that I have never seen before, the fury that could scare even the beasts away. Kung diyos yata ito, malamang nagkadilubyo na dulot ng galit niya. Taas-baba ang kaniyang balikat at dinig ko ang mabibigat niyang paghinga. Sa pagkakakuyom ng kam