Scared Sinundan ko si Hendrix sa pagpasok ng bahay. Akala ko ay ayos na, akala ko ay hindi na ako babagabagin ng kaniyang kilos, akala ko ay magiging mapayapa na ang gabing ito dahil nakuwi sila nang ligtas, dahil walang masamng nangyari. Pero ang mga mabibigat na hakbang ni Hendrix habang papunta kami sa kwarto ay binubura iyon. Ang mahigpit na paghawak ng mga daliri nitong nasa mga espasyo ng aking kamay ay nagsasabing hindi ko dapat maramdaman ang kaluwagan ng loob, na may paparating pa, na hindi pa natatapos sa gabing ito ang aking mga takot at sa halip ay magsisimula pa lamang. “Hendrix, may problema ba?” Nang makapasok kami ay binitiwan niya rin ako. Habang tinatanggal ang relo at mga laman ng bulsa ay tumingin ito sakin, tipid na ngumiti at umiling. At ang ngiti niyang