TGDS 1

1169 Words
The Good Daughter’s Secret  Chapter 1 “Good morning Miss Jaime!” Magiliw na bati sa akin ni kuyang guard matapos niyang buksan ang gate papasok ng Xavier University. “Good morning, Kuya Luis.” Nakangiti ring sagot ko. “Araw-araw blooming tayo, ah.” Dagdag pa nito na lalong nagpalapad sa mga ngiti ko. “Ganiyan talaga kuya, natural na ganda lang at walang halong kemikal.” Hindi ko na rin naiwasang makisakay sa mga biro niya.  “Ay, oo naman ma’am. Agree naman ako d’yan.” Anito sabay kindat. Okay naman si Kuya Luis. Nag aaral pa lang ako sa Xavier, nagtatrabaho na siya rito. Kaya naman kahit naka-graduate na ang mga anak niya at sa ngayon ay nagtatrabaho na rin sa iba’t-ibang kumpanyang hawak ng imperyo, hindi siya nagretiro. He said, utang niya sa Xavier at sa mga big boss ang magandang future ng mga anak niya. Napangiti na lang ako ng wala sa oras. Sa dami ng scholarship grant na ipinagkaloob nina Daddy sa ibang tao– halos kalahati ng mga estudyante sa Xavier University ay iskolar nila, its not surprising na marami ang nakakakilala sa amin. XU is not your typical school. Yes, pwede mo siyang ikumpara sa mga international school kung quality lang din naman ang pag uusapan at napakamahal ng tuition fee, but at the same time, binibigyan nila ng full scholarship with accomodations and meal allowance ang mga mahihirap yet deserving na mga estudyante. Isa si Vince Samaniego sa produkto ng scholarship grant na ‘yon at ngayon nga ay nagtatrabaho na ito para sa Xavier Empire. “Ikaw talaga Kuya, palagi mo akong inuuto.” “Ma’am Jaime naman, matanda lang ako pero hindi pa malabo ang mga mata ko. Kapag may nagsabing hindi ka maganda, iharap mo sa akin at akong bahala sa kanya.” Lalo tuloy akong napangiti sa sinabi niyang ‘yon. “Oh, siya, pumasok ka na sa loob. Malapit na mag-time.” ‘As if naman may sisita sa akin,’  bulong ko na lang bago ko tuluyang pinaandar ulit ang sasakyan ko papasok sa eskwelahan. I am Jaime Patrize Boromeo. I own this place, techically. So gustuhin man siguro nila akong sitahin, walang maninita sa akin. Lumabas na ako sa sasakyan matapos kong i-park ang Mercedez ko sa designated parking space para sa akin, lumabas na ako ng sasakyan. Chineck ko pa ang sarili ko sa salamin. I look presentable, I have to be. Isinuot ko na rin ang mahabang blazer na nakasampay sa likuran ng sasakyan ko. I dont really need to do it pero masyadong manipis ang blouse na suot ko ngayon and I am worried na baka may makapansin ng malaking tattoo na nasa likuran ko. Hindi naman problema kung para akong member ng yakuza sa laki nung dragon tattoo sa likuran ko. Okay lang naman.. Kung hindi siguro ako teacher at guidance counsellor. Don’t get me wrong. I love my job. I love kids. But I also love sex and other sex related things. I’m a sub. A glorified, proud sub. My work and my lifestyle are two different things.  Isa pa, hindi alam ng parents ko na ganoon ang hilig ko. Growing up, I used to be the sweet little kid. Baka nga ang alam nila Nanay Lizzie at Tatay Brad, virgin pa rin ako e. I lost my virginity during high school. Sa rooftop sa may college department. It was the highlight of my high school year. Noong mga panahong ‘yon ko rin nadiscover that I love sex and I started exploring. Imagine, I am twenty-eight years old at never pa akong nagdala ng boyfriend sa bahay pero halos lahat na ata ng klase ng luto, natikman ko na. I even had a one night stand with a girl and surprisingly, I liked it. Baka kapag nalaman nila ang sikreto ko, himatayin si Tatay. Although baka hindi rin. Baka nga mas matuwa at maging proud pa siya na sumusunod ako sa mga yapak niya. Kase naman, retired playboy at playgirl ang parents ko. Tapos ako, lumabas na hindi man lang makabasag pinggan. ‘Yong kapatid ko ring si Klein, ganito rin. Although sure naman ako na hindi ko siya katulad na may secret identity, sadyang mahiyain lang talaga ‘yong kapatid kong yon. Mahiyain rin naman ako. If my dom wants me too. Pero sa ngayon, wala pa akong nakikilalang magpapasunod talaga sa akin. Everyone I met is either too little or too much that it gets so awkward. I can’t move naturally. Habang naglalakad ako papunta sa opiina ko, Ilang estudyante nakakakilala sa akin ang bumati sa akin. Maliban kase sa pagiging guidance counsellor, substitute Science teacher rin ako. “Good morning Teach, maaga bisita mo.” sabi ng nakasalubong kong teacher din. Itatanong ko pa sana kung anong ibig niyang sabihin ngunit nakita ko na kung ano o sino ang sinasabi niya. Nakaupo sa loob ng opisina ko si Angelica. Ang pinaka-problematic atang estudyante sa X.U. She’s only twelve years old pero tila pasan niya na ang mundo. She’s always in trouble. Imagine a first year high school student having troubles with school and her classmates. Napabuntong-hininga na lang ako bago tuluyang pumasok sa opisina ko. Masyado nang madalas si Angelica rito na minsan iniisip ko na baka sinasadya niyang palaging magsimula ng gulo para magkaroon ng excuse para tumambay sa guidance office at hindi na umattend sa mga klase niya. “Hi Miss,” kiming ngiti niya. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang dalawang kamay niya. “Ano na naman ang ginawa mo, Angel?” sinubukan kong mag-poker face ngunit imbes na matakot ay lalo lamang nitong nilawakan ang ngiti niya. “Na-miss lang kita, miss. Kaya ako nandito.” “Okay, nakita mo na ako, pwede ka nang bumalik sa room mo.” Sumimangot siya matapos kong sabihin ‘yon. “Hindi pwede, Miss, Teacher Lian sent me here.” anito sabay ngiti ng malawak ulit. “Hah! I knew it, so ano ngang ginawa mo?” “Nothing! I just told my classmate she looks so ugly.” “Angel,” hindi ko mapigilang hindi mapabuntong hininga. “You know that’s bad.” “Miss, you told me to always tell the truth no matter how painful it is so I told her she’s ugly because it is the truth.” “You know that’s not what I meant.” “But that’s what I heard.” kibit-balikat nitong sagot.  ‘So kasalanan ko pa pala.’ I mentally slapped myself. “Okay fine, ako na ang nagturo nun kung ako. But I still need to talk to your Dad. Pang ilang offense mo na ‘to, Gel. Baka ako naman ang masita sa admin kapag pinalampas ko pa ito.” “Hey! I thought you own Xavier University?” “I do. But my father is still my boss and I still need to report to him. Anyways, I need to talk to your Dad as soon as possible.” —------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD