CHAPTER 2

1420 Words
“Sir nandito na ang bago mong sekretarya,” wika sa akin ni Lyka habang may pinipirmahan akong papeles sa aking lamesa. “Sige papasukin mo na s’ya,” inihinto ko muna ang aking ginagawa at hinarap si Sef na ngayon ay kakapasok lang ng aking opisina. “Dude kumusta?” masayang bati niya sa akin at nakipag-high five pa sa akin. “Wow ha! Parang hindi boss ang pagtatrabahuhan mo,” baling ni Lyka sa amin. Sila ang mga matalik kong kaibigan noong nag-aaral pa kami sa kolehiyo at ngayon ay magkakasama naman kami sa trabaho ngayon. “Kahit naman hindi na sir ang itawag niyo sa akin kapag tayo lang ang magkakaharap eh.” “Bakit ako pa ang napili mo maging sekretarya mo? ‘di ba dapat babae?” “Naku Sef allergic na yata siya sa mga babae. Ilang sekretarya na kaya ang sinisante niyan!” may diing wika naman ni Lyka. “Alam mo naman kung ano ang dahilan ‘di ba?” “Don’t tell me Mazer nababakla ka na kaya ayaw mo na sa babae?” pang-aasar ni Sef na ikinailing ko. “Ayaw niya kasi magkaroon ng issue sa ibang babae dahil baka biglang bumalik ang one and only niya mamiss-understood pa niya,” may halong pang-aasar naman ni Lyka. Hindi ko naman lubos maisip na sadyang may kadaldalan itong kaibigan naming si Lyka. Tumawa pa ang dalawa. "Naku ang ganda pa naman ni Kristine, tiyak marami siyang nakikilalang sikat na mga model doon," hinarap ko naman si Sef na nakahalukipkip at tinaasan pa ng kilay. Sanay na ako sa kanila kahit noon pa man. Hindi kumpleto ang araw nila kapag hindi ako iniinis. Nag-aalala naman ako na baka makahanap ng iba si Kristine. She’s a famous fashion designer at alam kong maraming nagtatangka ring manligaw sa kan’ya. Kahit noong magkasintahan pa kami ay maraming nagpaparamdam sa kaniya ngunit sadyang hindi niya ito pinapansin dahil magkasintahan pa kami noon. Pero ngayon, malaya siya kung sino man ang manligaw sa kan’ya. At iyon ang kinakatakot ko. “O ano bigla kang natameme? Kinabahan kang bigla ‘di ba?” pang-aasar muli ni Lyka. “Pansin ko sa’yo Lyka parang trip na trip mo akong asarin ngayon! May gusto ka sa akin no?!” “Yuck! Excuse me no. Hoy Mazer hindi porket boss kita at maganda iyang pangangatawan mo magkakagusto na ‘ko sa’yo. Over my dead sexy body no!” kunwari’y masuka-suka pa si Sef sa sinabi ni Lyka. Hinampas naman siya nito ng folder na hawak niya. "Pupuntahan ko siya next week after ng project natin sa Makati.” “Hay salamat! Mabuti naman Sir Mazer at naliwanagan ka na! hindi si Kristine ay susuyo sa’yo no!" "Mazer, kung talagang mahal mo pa si Kristine sundan mo siya. At dapat masaya ka dahil sa tinatamasa niya ngayon. Kung kayo talaga ni Kristine, kayo talaga. Kung tatanga-tanga ka pa riyan malamang may hot model na nakaakbay sa kan'ya ngayon," nakangising wika ni Sef sa akin. "Alam niyo kayong dalawa imbes na payuhan niyo 'ko lalo n'yo pa akong binubwisit eh. Mga kaibigan ko ba talaga kayo?" "Oo naman dude kaibigan mo kami," natatawang turan ni Sef. "Sinasabi lang namin sa'yo mga posibleng mangyari kapag usad pagong ka," natahimik naman ako sa sinabi ni Sef. I know it's my fault. Hindi ko s'ya inintindi, sarili ko lang ang iniisip ko. Pero ngayon desidido na ako, pupuntahan ko s'ya sa France at liligawan ko siyang muli tulad ng dati. Maaga pa lang ay umalis na ako sa opisina at naisip kong pumunta muna sa binili kong magiging bahay namin ni Kristine sakaling ikasal kami. Hindi ko muna sinabi ito sa kan'ya dahil gusto kong sorpresahin s'ya. Ang kaso bigla namang lumipad siya patungong ibang bansa na dapat ay sasabihin ko ang tungkol dito. Pumasok ako sa loob at namangha dahil tapos na tapos na ang magiging bahay namin ni Kristine. Naupo muna ako sa sofa at pinagmasdan ako kabuuan ng bahay. Na-iimagine ko na kung magkaroon kami ng anak ay tiyak mas lalong sasaya ang bahay na ito dahil kumpleto na ang aming pamilya. Kinuha ko ang aking telepono at sinubukang i-dial ang numero ni Kristine, subalit naka-ilang subok na ako ay hindi pa rin nito sinasagot. Tinignan ko ang aking relong pambisig. Gabi na rito at tanghali naman sa kanila. Iniisip ko na lang na baka abala pa siya sa kaniyang trabaho kaya hinayaan ko na lang muna. Nagpa-book na ako ng ticket kay Sef patungong France para sundan si Kristine at hindi ko siya titigilan hangga't hindi niya ako napapatawad at hindi kami ngkakabalikang dalawa. Nagpasya ako na rito muna magpalipas ng gabi dahil masyado na ring malalim sa gabi. Napabalikwas ako ng bangon ng biglang mag-ring ang aking telepono at nakita kong si Sef ang tumatawag kaagad ko naman itong sinagot na pupungas-pungas pa ako. "Yes Sef?" "Dude! I-i mean sir! May malaking problema tayo ngayon!" "What is it?" "Iyong mga investors po kasi natin nagrereklamo dahil nalulugi na raw ang kumpanya." "What?!" Napatayo akong bigla sa kama ng sabihin iyon ni Sef. "What do you mean na nalulugi?! Samantalang angat pa nga tayo sa lahat! Tapos ngayon biglang nalugi? Paano nangyari 'yon?" "Hindi rin namin alam sir. Pero pinapa-check ko na 'yon kay Miss Lyka mamaya malalaman ko na rin kung ano ang naging dahilan." Napahilot akong bigla sa aking batok dahil hindi ko alam kung bakit bigla-biglang malulugi ang kumpanya, samantalang last two weeks ay mataas pa ang ratings namin kumpara sa iba. Hindi na ako nag-abalang maligo dumeretso na kaagad ako sa aking opisina. Nagmamadali akong pumunta sa building ko at hinanap kaagad si Lyka na nag-aasikaso ng problema sa kumpanya. Pumunta ako kaagad sa kaniyang opisina at naabutan na rin doon si Sef na pareho silang nakatutok sa laptop. "Ano na ang nangyari?" Tanong ko pagkalapit ko sa kanila. "Sir, feeling ko mayroong tumatraydor sa'yo rito sa loob ng kumpanya," kunot-noo ko namang hinarap si Lyka habang nakaupo siya sa desk niya. "Anong ibig mong sabihin?" "Kasi sir kung titignan mo rito sa record ng accounting department galing dito sa loob ng kumpanya ang labas ng pera. Pero ang ipinagtataka ko kung paano niya ito nalulusutan? Hindi kaya may kasabwat din siya rito?" "Oo nga dude, kailangan natin itong paimbestigahan, dahil kung hindi mawawalan tayo ng mga investors." Napaupo akong bigla dahil sa kanilang sinabi. Mariin akong pumikit at muli silang hinarap. "Magpatawag ka ng meeting Sef, we will be having a meeting after lunch," pagkasabi kong iyon ay lumabas na ako ng opisina ni Lyka at nagtungo na ako sa aking sariling opisina. Pabagsak naman akong naupo sa aking swivel chair at napabuga ng malakas sa hangin. Iniisip ko pa rin kung sino ang posibleng gumawa nito at sa mismong loob pa ng kumpanya nagtatrabaho. "f**k! Who are you?" Wika ko sa aking sarili. Sa aking pag-iisip ay hindi ko namalayang kanina pa pala na tumutunog ang aking telepono, nakita kong si Macelyn ang tumatawag. Kinabahan akong bigla na baka nalaman na niya ang problema ng kumpanya. Tumikhim muna ako bago ito saguti. "Hello Mace." "Kuya, I called you many times diyan sa office mo ang sabi ng secretary mo wala ka pa raw. Saka bakit iba na ang secretary mo? Saka lalaki kuya?" Nakahinga naman ako ng maluwag kasi alam kong hindi niya pa alam ang tungkol sa kumpanya. At ayoko niyang malaman pa 'yon dahil mag-aalala lang siya. "Lalaki na ang kinuha ko Mace, alam mo namang nagkakaroon na 'ko ng phobia sa babae eh. Bakit ka pala napatawag?" "Kuya have you read the article?!" "Tungkol saan?" "About Kristine!" "What about her?" Sandali muna siyang natahimik at narinig ko pa ang kaniyang pagbuntong hininga. "Kuya nali-link si Kristine sa isang sikat na model sa France. At isa pa kuya nabasa ko na matagal na pala siya nililigawan no'n." Napatayo akong bigla sa aking upuan at wala sa sarili kong niluwagan ang aking neck tie. "Baka chismis lang 'yan? Alam mo naman sa showbiz." "You think so kuya? Hindi ka ba nag-woworry?" Natahimik akong bigla. Paano nga kaya kung totoo ang balita na 'yon? At ang nakakalungkot pa nito ay sumabay naman bigla ang pagkakaroon ng problema ang kumpanya kaya paniguradong hindi ako basta-basta makakaalis hangga't hindi naaayos ang problemang kinakaharap ko. "Please wait for me sweety. Pupuntahan kita kaagad diyan kapag natapos ko na ang problema ko rito," wika ko habang nakatitig sa litrato niya sa aking cellphone matapos kong kausapin ang aking kapatid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD