CHAPTER 4

1589 Words
"Hoy Kristine wake up! Mahuhuli na tayo sa appointment mo!" gising sa akin ng manager kong si Leslie. Itinaas niya pa ang blinds ng aking bintana rito sa kuwarto kaya naman tumama ang sinag ng araw sa aking mukha at nagtaklob ako ng kumot. Hinablot naman ito ni Leslie at nakapamewang na humarap sa akin. "Kristine naman! Bumangon ka na riyan!" Muling sigaw nito sa akin. Dahan-dahan naman akong bumangon at pupungas-pungas pa sa aking mga mata. Naupo muna ako at tinignan si Leslie na isang mata ko'y nakapikit pa. "Please naman Leslie inaantok pa 'ko. Let me sleep okay?" "Paanong hindi ka aantukin? E anong oras ka na naman umuwi kagabi. I mean, kanina pala. Kristine naman simula noong dumating tayo rito sa France puro bar na lang inaatupag mo, lagi kang naglalasing! Eight months na tayo rito pero ni minsan hindi na kita nakitang sumaya." Napayuko naman ako at ramdam ko ang panunubig ng aking mata. Napansin naman ito ni Leslie. Umupo siya sa aking tabi at niyakap na lamang niya ako. At dahil doon ay hindi ko na napigilan ang pagtulo ng aking luha. Hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako dahil sa paghihiwalay namin ni Mazer. At hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ako gustong kausapin. "Kristine, huwag mo namang pahirapan ang sarili mo. Kung ayaw niya na sa'yo e 'di 'wag. Mas maraming lalaking higit sa kan'ya, iyong iintindihin ang propesyon mo. You deserve someone better Kristine." Humiwalay naman ako sa pagkakayakap sa kan'ya at tinitigan siya. "Hindi ganoon kadaling makalimot Leslie. Sana nga paggising ko kinabukasan wala na siya sa puso ko. Pero habang tumatagal Leslie mas lalo akong nasasaktan kasi miss na miss ko na siya. Miss na miss ko na si Mazer Leslie! Gusto ko na umuwi ng Pilipinas!" Habang sinasabi ko sa kan'ya 'yon ay siyang pagtulo naman ng aking mga luha. "Kristine__" "Alam kong tanga ako, martir. Pero anong magagawa ko kung siya pa rin talaga?" Putol ko sa kaniyang sasabihin. "I know Kristine, pero kung siya ang dahilan kung bakit ka nahihirapan, much better na kalimutan mo na lang siya. Focus on your job, kasi mas lalo kang masasaktan sa tuwing maaalala mo siya. At kung talagang mahal ka pa niya bakit hindi ka man lang niya tinatawagan? O 'di kaya pinuntahan man lang dito? Kung tutuusin kayang-kaya ka niya puntahan dito dahil marami s'yang pera!" Naalala ko namang bigla na nawala nga pala ang telepono ko at naroon lahat ang mga contacts ko. Hindi ko rin naman kabisado ang number ni Mazer at Macelyn dahil laging naka-speed dial sila sa phone ko. Even my social media account hindi ko rin alam ang password noon. "Siguro tumatawag na siya sa akin sa dati kong number," humihikbi kong wika sa kan'ya. "O sige Kristine, let's say na ganoon na nga. Bakit hindi ka niya puntahan dito? Hindi ba binigay mo sa kapatid niya ang address kung saan ka tumutuloy?" Tumango lamang ako sa kan'ya at napalabi na lamang. "I told you Kristine na ibaling mo na lang ang pagtingin mo kay Wilfred. He's nice at isa pa matagal ka na niyang nililigawan" "But I don't like him" "Magugustuhan mo rin siya. Sinasabi mo lang 'yan kasi puro ka Mazer, Mazer, Mazer! Hindi mo bigyan ng chance 'yong tao." Dapat ko na nga bang kalimutan si Mazer? Wala na ba talaga kaming balak magkabalikan pa? Papunta na kami ni Leslie sa company kung saan ako nagtatrabaho. Ginawa kong abala ang sarili ko para kahit papaano ay hindi ko s'ya naiisip. Tama si Leslie, mas lalo ko lang sinasaktan ang sarili ko. Siguro nga talagang kinalimutan na ako ni Mazer. "Leslie pakibigay na lang itong design na pinagawa ni Mrs Moore. At pakisabi na rin na lahat ng detalye nariyan na rin." Inabot ko sa kan'ya ang black folder habang papunta kami sa aking opisina. Pagbukas ko ng pintuan ay tumambad kaagad sa amin si Wilfred na nakaupo sa sofa. Tumayo naman siya para salubungin kami. Nakipag-beso muna siya sa akin at ganoon din kay Leslie. "What are you doing here Wilfred?" Naupo muna kami sa sofa at nasa gilid ko naman siya sa pang-isahang upuan. "I want to invite you for lunch, are you free today?" napamaang ako sa kan'ya at hindi alam kung ano ang aking sasabihin. Ilang beses ko na rin kasi siyang tinanggihan sa tuwing yayayain niya akong lumabas. Dahil noon ay ayokong makarating kay Mazer na may dine-date na ako rito dahil umaasa pa rin akong babalikan niya ako. Pero ngayon mukhang wala na nga kaming pag-asa, kailangan ko na rin siyang kalimutan. Baka nga hindi na niya talaga ako mahal. "Oh, s-sure," tipid kong sagot sa kan'ya. "You too Leslie, you can come with us for lunch" "I'm okay Wilfred, you don't have to worry about me. You two should get to know with each other" "What?" Pinamulagatan ko siya at tumayo na siya sa kan'yang upuan. "See you later Kristine," kumaway pa siya sa akin ng nasa may pinto na siya at saka nag-flying kiss pa na halatang inaasar ako. Sinamaan ko naman siya ng tingin at tinawanan lamang niya ako. Nang nakalabas na si Leslie ay saka ko naman muling hinarap si Wilfred. "You don't have work today?" "I don't have, but I want to see you," ngumiti lang ako sa kan'ya at yumuko. "I'll just wait you downstairs. I'll talk to my manager first about my schedule for tomorrow," tumango lang ako sa kan'ya at lumabas na rin siya ng opisina ko. Sumandal ako sa sofa at pumikit ng mariin. Hindi ko namalayang may pumatak na palang luha sa aking pisngi. Napadilat ako at kinuha ang aking cellphone. Tinitigan ko ang larawan ni Mazer na kinuha ko pa sa internet. Sikat siya ngayon sa larangan ng business world kaya hindi malabong hindi siya makilala. Paminsan-minsan ay ini-stalk ko siya sa internet kung may bago bang balita sa kan'ya. Kaso ang napapabalita lang sa kan'ya ay napagkakamalan siyang bakla dahil sa panay sekretaryang lalaki niya ang parati niyang kasama. "Hindi ako naniniwalang wala kang ibang nagugustuhan. Siguro kaya hindi ka nagpaparamdam sa akin dahil may kapalit na 'ko sa puso mo?" wika ko sa aking sarili habang pinagmamasdan ang litrato niya sa aking cellphone. Napapikit na lang ako at muli na namang pumatak ang aking luha. Bago pa mag-lunch ay pumunta na kami ni Wilfred sa isang sikat na restaurant dito sa France. Marami ang bumabati sa amin at nagpapakuha na rin ng mga litrato dahil si Wilfred ay isang sikat na model dito sa France. Kilala rin ako bilang isang fashion designer at paminsan-minsan ay ako mismo ang nag-momodelo ng aking mga obra. "Are you okay with the food?" "Ah, yes," sagot ko sa kan'ya nang dumating na ang aming pagkain. "Kristine?" "Yes?" Mataman muna niya akong tinitigan bago siya muling nagsalita. "Is it okay with you if I court you?" Walang paligoy-ligoy niyang tanong. "Ahmm W-wilfred__" "It's okay Kristine, I know you're not ready yet but I'm willing to wait," tipid lang akong ngumiti sa kan'ya at pinagpatuloy na lang ang aking pagkain. Pagkatapos naming kumain ay dumeretso muna ako sa aking opisina. Hinatid muna niya ako at saka naman siya umalis para asikasuhin naman niya ang iba pa niyang trabaho. Pagkapasok ko naman sa aking opisina ay nakita ko naman si Leslie na nakaupo sa sofa at abot tainga ang ngiti. "Ano na Kristine, kumusta ang date niyo ni Wilfred?" "Ayos naman," umupo ako sa kaniyang tabi at isinandal ang aking likod sa sofa. "Iyon lang?!" "Ano ba dapat?" Tinaasan ko naman siya ng kilay at inirapan naman niya ako. "Wala man lang ba siyang sinabi sa'yo?" "Meron" "Ano 'yon?" Kita ko sa mukha niya ang excitement at hinihintay magkuwento. "Tinatanong niya kung puwede raw ba siyang manligaw" "O tapos anong sabi mo?" "Wala," pinalo naman niya ako sa braso pagkasabi kong iyon. "Aray ko naman Leslie! Kung gusto mo ikaw na lang ang magpaligaw sa kan'ya!" Sigaw ko sa kan'ya at tumayo na ako at nagtungo sa aking swivel chair. Sumunod naman siya at naupo sa aking visitors' chair. "Ano ba kasing ayaw mo sa kan'ya ha Kristine? Guwapo, mayaman, sikat at mabait. Wala ka ng hahanapin pa sa kan'ya" "Leslie, ayoko siyang gawing panakip-butas lang para makalimutan si Mazer at isa pa hindi pa ako handang mag-entertain ng iba," wika ko habang binubuksan ang aking laptop. "Tapos ano? maglalasing ka na naman gabi-gabi? Diyos ko Kristine ang swerte naman ni Mazer kung gano'n!" "Ewan ko sa'yo Leslie, hindi mo ako naiintindihan kasi hindi ka pa naiin-love! At isa pa Le__" napahinto akong bigla sa sunod kong sasabihin ng biglang manlaki ang mata ko sa aking nakita sa article. "O bakit natigilan ka Kristine? Ano bang meron?" Hinarap niya sa kan'ya ang aking laptop at binasa ang article na nakasulat doon. "O anong mali rito? Totoo namang nanliligaw na sa'yo si Wilfred 'di ba?" "Hindi naman siya nanliligaw eh. At saka hindi totoo ang nakasulat diyan," humalukipkip ako at sumandal sa aking swivel chair. "Bakit ka ba nag-aalala? Baka makita ito ng my heart mo?" Sinamaan ko siya ng tingin. "Ewan ko sa'yo Kristine martir ka talaga! Ikaw na ang reyna ng mga martir!" Pagkasabi niyang iyon ay lumabas na siya ng aking opisina. Napabuga naman ako ng malakas sa hangin at muling binasa ang article na naglalaman na may namamagitan na sa amin ni Wilfred. Siguro nga kaya hindi ako pinupuntahan ni Mazer dahil akala niya pinagpalit ko na siya at tanggap ko na hiwalay na kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD