Louise stops from wiping her hair with the towel as she enters the room. She never expected for Cayden to be inside that early. Nang matapos siyang makipagkwentuhan sa Papa niya ay nasa loob pa ng dati niyang kwarto ang asawa at pinatutulog si Bless na hinakot lahat ng luma niyang manyika at inilagay sa palibot ng kama. Nagkatinginan silang dalawa habang nakasandal si Cayden sa pader, at relax na nagpapahinga. Hindi niya maimagine na mapapakain niya ito ng nilagang sitaw at kangkong. Sarap na sarap pa habang isinasawsaw sa toyo na may kalamansi at halos hindi pinansin ang karne na pinirito ng Papa niya. Iyon lang ang ginalaw ng asawa niya at ang inihaw na bangus. “What’s with that stare, Louise?” Naiiling na ngumiti siya. Tumuloy siya sa pagpasok at humarap sa isang antique na van