Parang baliw na hindi mapakali si Cayden sa loob ng opisina niya habang nakapameywang at palakad-lakad. Nagri-ring ang cellphone ni Louise pero sinasadya ng asawa niya na kanselahin ang tawag. Natataranta siya at nalilito kung bakit biglang ganoon na ang naging trato nito sa kanya. Naiiyak siya at nasasaktan, and he’s not ready to accept the fact if Louise hates him now. Cayden never wanted to think negatively but there’s a part of him which tells him that something isn’t going right. God I can’t. I can’t bear it. Umiling siya at dismayadong dinilaan ang labi nang maramdaman niyang parang iiyak siya anumang oras. Three missed calls are excusable but forty plus are not, like three unread messages are understandable but thirty plus are not. Iniisip niya kanina na busy lang iyon pero