S he smiled when she saw Cayden. Nakatayo siya sa labas ng building at talagang hinihintay ang paglabas ng asawa niya. Hawak pa nito ang cellphone at kababasa lang niya ng huling text message na ramdam niyang may halong kabastusan yata. “Let her in. She’s my wife.” Utos nito sa dalawang gwardiya na parang nagkatinginan pa at hindi makapaniwala. “It’s confidential and no one must ever know especially my brothers and my stepmother. It’s Papa's order.” Dagdag pa nito at tahimik lang naman siya. Nang buksan ng dalawa ang stainless na barikada ay humakbang siya papasok at palinga-linga sa kabuuan ng lobby. “Bakit hindi pwedeng malaman ng mga kapatid mo at stepmom mo? Magagalit ba sila na nag-asawa ka ng kagaya ko?” Tanong niya habang nakatingin sa pinakadulo ng pasilyo na tinutumbok ay dam