Chapter 08
"Kailan pa kayo nakarating?"
Napatigil si Arlon noong pagpasok niya sa opisina may tatlong lalaki ngayon ang nasa loob at nakaupo sa sofa.
"Kanina lang. Dito na kami dumiretso pagkagaling sa airport," sagot ng lalaki na nakaupo sa pang isahan na sofa. May hawak ito na kopita. Binati din siya ng lalaki na nakaupo sa swivel chair at pinaikot-ikot iyon.
"Hindi mo ba kami namis big brother?"
"Hindi ka talaga uupo Bellweather at sasamahan kami uminom?" tanong ng isa pa na nakaupo sa kabilang sofa at nakatingin sa likuran niya kung nasaan si Benzo Bellweather.
"Nakaduty ako ngayon. Sigurado babalatan ako ng buhay ng kakambal ko kapag humawak ako ng alak during duty."
Ang magkapatid na Constello ay kilala sa industriya sa abroad hanggang sa pilipinas sa larangan ng business, science at sa sining.
"Nasaan si tita?" tanong ni Arlon. Napanguso iyong lalaki na nakaupo sa swivel chair which is si Charles Lucian Constello. Hindi halata dahil sa personality nito pero kilala ito dahil sa malaking ambag nito sa larangan ng science isang pharmaceutical scientists si Charles madami humahanga sa galing nito sa pagdevelop ng mga gamot and madami na ito nagawa.
"No idea. Alam mo naman si mom kung ano matripan 'non na gawin."
Umupo si Arlon sa sofa at sinabi na dapat tinatawagan din ng tatlo ang mom nila.
"Wala palagi si mom sa mansion kapag natawag ako. Ikaw dapat tinatanong namin kung kamusta kayo ni mom dito," ani ng lalaki kay Arlon. Kinuha ni Arlon ang kape na nilapag ni Cosmo sa harapan niya.
"Pumunta si tita dito kahapon lang. She was fine and healthy," sagot ni Arlon. As usual masyado pa din madami energy tita niya at parang hindi ito tumatanda.
"Kinukulit niya ako. Gusto niya agad nakita apo niya," ani ni Arlon. Nagkatinginan ang tatlo.
"Speaking of apo. Iyan din ang reason bakit kami umuwi. Totoo ba na ikakasal ka na at may anak ka na? Akala ko ba—"
"Akala ko din," bulong ni Arlon. Nagsalita si Civian Justin Constello. Isang actor na kilala sa Paris and umuwi sa pilipinas para gumawa ng ilang project habang nagbabakasyon doon.
"Sino mag-aakala na mauuna ka pa bigyan ng apo si mom kaysa sa amin," ani ng lalaki at tumawa. Naalala niya na sinasabi ni Arlon palagi tuwing nagkakasama sila sa isang dining table kasama ng mom nila imposible magkaroon siya ng anak dahil sa kondisyon niya.
"Hindi ko maiwasan mag-alala pa rin. Ready ka ba sa ganito na responsibilidad?" tanong ni Civian. Napatigil si Arlon and napako lahat ng mga tao sa room na iyon ang tingin kay Arlon.
"I'm okay now," sagot ni Arlon. Tiningnan siya ng tatlo na may pag-aalala.
Tiningnan sila ni Arlon sinabi na hindi totoo na all this time is mag-isa siya at walang pamilya.
"Palagi kayo nandiyan nina auntie at pamilya tayo."
Napatigil sina Civian noong marinig iyon. Naalala nila bigla iyong isang araw dinala si Arlon ng mom nila sa bahay nila. Wala buhay mga mata nito, lagi sila inaaway at mom nila.
Puno ito ng resentment at takot sa kanila specially sa mom nila. Lagi sila sinasabihan ng mom nila na intindihin si Arlon dahil madami ito pinagdadaanan hanggang sa nalaman nila tunay na nangyari.
Noong tawagan sila ni Arlon last month iisa inisip nila ng oras na iyon. Hindi nila alam kung swerte si Arlon dahil sa idea na nagkaanak pa din ito sa kabila ng kondisyon nito or mag-alala dahil sa tunay na sitwasyon. Nabuo ang bata na iyon dahil sa isang one night stand na kapareho kay Arlon. Natatakot sila na bumalik lahat ng trauma ni Arlon at bumalik ito sa dati.
"Then nagsinungaling kayo sa part na umuwi kayo dahil naisipan niyo magbakasyon?"
Natahimik ang tatlo. Pinagdikit ni Charles ang mga daliri sinabi na kapatid nila si Arlon. Masaya sila na ikakasal ito at magkakaroon ng pamilya. Hindi lang nila maiwasan mag-alala.
"Nag-aalala din sa iyo si mom."
Lumambot ang expression ni Arlon sinabi na ayos lang siya. Sinabi ni Arlon na may mga memories na bumalik sa kaniya noong nakita niya si Charlotte but— imbis paghihirap ay nakaramdam siya ng regret.
"Katulad ng naramdaman ko noong maaksidente si Carsel dahil sa akin."
Bumuga ng hangin si Civian sinabi na huwag ipressure ang sarili. If hindi ni Arlon kaya ang responsibilidad—
"Aakuin ko ang bata sasabihin ako ang ama!" banat ni Charles at tinaas ang kamao.
"Oh come on Charles."
Todo pigil ng tawa si Cosmo sa kabilang sulok ng kwarto. Binato kasi ng unan ni Civian ang kapatid na nasa table na agad nasapol sa mukha.
"Then hindi na kami makapaghintay makilala ang magiging little princess namin," ani ni Carsel Julian Constello. CEO ng pinakamalaking automotive company sa buong Asia. Tumatayong panganay sa magkakapatid na Constello at kay Arlo.
In some reason nakitaan ng magkapatid na Bellweather ng curiousity ang Constello brother sa batang si Charlotte imbis sa mapapangasawa ni Arlo. They found it weird.
Noong medyo kumagat na ang dilim sinabihan ni Arlo si Benzo na tapos na ang duty nito.
"Ha? Mamaya pa naman tapos ng duty ko sir?" ani ni Benzo at nagtataka tiningnan ang wrist watch niya.
"Tinawagan ako ni Carsel kanina. Hindi pa umuuwi si Civian and mukha nasa parking lot pa din siya hanggang ngayon. Umalis ka na," ani ni Arlo at winagayway ang kamay niya.
Nakitaan ni Cosmo ng excitement ang kapatid niya na mag-out sa trabaho. Tinanong ni Arlo si Cosmo kung gusto na din ba nito mag-out.
"Madami pa ako kailangan tapusin sir."
Tatambak din naman sa kaniya bukas ang trabaho na iyon. Isa pa kahit halos sabay-sabay na sila tumanda na anim hindi din siya gaano kaclose sa tatlo. Nandoon ang boundary and about naman kay Benzo special ang case niya.
Noong makalabas si Benzo ng building and dumiretso sa parking lot nakita niya ang familiar na van.
Cool lang na lumapit si Benzo sa sasakyan and noong kumatok siya sa bintana— kusa bumukas iyon at may humila sa kaniya papasok.
"Hindi mo naman siguro pinasakit ulo ni Arlo habang nandito ka diba?"
Nakasandal si Civian sa kabilang pintuan— nakaluhod si Arlo at nakatungkod ang isang kamay nito sa kabilang bintana habang hawak ni Civian ang isang kamay ng lalaki.
"Ayan ba una mo sasabihin sa akin pagkakita na pagkakita mo sa akin?" tanong ni Benzo. Napataas ng kilay si Civian sinabi na si Benzo nagdededma sa kaniya while nasa opisina sila.
Umupo ng maayos si Benzo at niluwagan bahagya ang suot na necktie.
"Talagang pinanindigan mo na 4 years ka hindi magpapakita sa akin at hindi mo ako kokontakin while nandito ako sa pilipinas," ani ni Benzo. Umayos ng upo si Civian at sinabihan ang driver na umalis na sila. Nagpapanic naman ang driver na inistart ang sasakyan like nagulat ito noong bigla nga hinila ni Civian si Benzo at nakita niya na inches na lang ang layo sa mukha ni Civian ang mukha ni Benzo.
Hindi din ito makapaniwala na ito ang hinihintay ng boss niya ng 5 hours sa parking lot.
"It is not my fault. Nakalimutan mo na yata na ikaw nag-decide na bumalik dito without considering may feelings," ani ni Civian. Tinatapik nito ngayon ang arm rest at nakatingin sa bintana ng sasakyan.
Hindi nakapagsalita si Benzo and napahawak ng mahigpit sa arm rest.
"Saan tayo pupunta?" tanong ni Benzo. Sinabi ni Civian na pupunta sila sa mansion ng mga Constello.
"Dinner."
Napatingin si Benzo. Tinanong ni Benzo bakit sila pupunta doon. Sumalubong ang kilay ni Civian at nilingon si Benzo.
"And bakit hindi? You are my husband idiot."
Natapakan ng driver ang break. Agad naman gumalaw ang katawan ni Benzo at hinapit si Civian noong tatama ito sa likod ng upuan.
"Hey! Pwede ba mag-ingat ka naman!" sigaw ni Benzo habang nakakulong sa mga braso niya si Civian. Agad na nagsorry ang driver.
Kalmado naman si Civian na tinapik-tapik ang braso ni Benzo. Naibaba ng lalaki ang tingin then nakita niya ang wedding ring nila ni Civian na suot pa din nito.
Pinakalma ni Civian ang lalaki at sinabi na bago lang ang driver niya.
Tinanong ni Benzo kung mapagkakatiwalaan ang driver. Sinabi ni Civian na si Carsel ang nagrecommend sa driver.
"Sir pasensya na," ani ng driver na ngayon na nagdadrive ulit.
"Its fine," sagot ni Civian. Binitawan na din siya ni Benzo and mahaba na katahimikan ang bumalot sa loob ng sasakyan.
"Bakit ganoon tanong mo kanina? Nagkaroon ka ba ng girlfriend habang wala ako?" ani ni Civian and nilingon si Benzo. Sumagot ng no si Benzo.
"Its just iyong last na nagusap tayo at umalis ako hindi mo na ako kinausap. Akala ko— akala ko wala na tayo."
Sinabi ni Civian na legal kasal nila ni Benzo. Inismiran siya ni Benzo sinabi na hindi pa din siya kinontak ni Civian.
"Hindi mo din naman ako sinubukan kausapin diba? Why would I?"
Sino mag-aakala na kasal ang dalawa at legal. Sa kasamaan palad walang komunikasyon at talaga magkalayo sila sa loob ng 4 years dahil lang sa magkaiba nila na career and priority.
Pumasok sila sa isang gate— bumungad kina Benzo at Civian ang engrande na mansion at malaking fountain. Umikot doon ang sasakyan at may staff na lalaki ang nagbukas ng pinto. Sa magkabilang side bumaba si Civian at Benzo. Agad naman yumuko mga staff para batiin sila.
"Talaga inalis mo wedding ring mo."
Sabay na naglalakad papasok ng mansion si Benzo.
"Nasa leeg ko lang iyon nakasabit. Masyado ako makakalimutin kaya sinabi ko sa leeg ko," sagot ni Benzo. Hindi pa siya nababaliw para ilantad ang worth of 400 million na singsing and hindi niya din kaya makitang mabahidan iyon ng dugo.
"Akala namin saan ka na poste sumabit," biro ni Charles na ngayon naglalakad na may hawak na bote ng wine. Nakipag bomb fist ito kay Benzo at binati siya.
"Nagkabalikan na kayo ulit?" tanong ni Carsel. Sinabi naman ni Civian na wala naman naghiwalay.
"Ano balikan sinasabi mo."
Umupo si Civian sa sofa at nagsalin ng alak. Nakipagbomb fist si Benzo kay Carsel.
"Ay marupok."
Umilag si Charles noong binato siya ni Civian ng unan. Sinabi ni Charles na may hawak siya na alak.
"Naiintindihan ko Benzo na nag-aalala ka kay Arlo pero dapat ba bigla ka na lang umalis at iwan si Civian?" tanong ni Carsel. Napatigil si Benzo and bahagya umiwas ng tingin.
"Kuya," ani ni Civian. Mukhang hindi talaga natutuwa si Carsel sa bigla na lang pagkawala ni Benzo at pang-iiwan kay Civian sa kabila ng idea na asawa ito ni Civian.
"Kailangan ako ni sir Arlo at ng kapatid ko. Ayoko pumili either maging burden kay Civian kaya umalis na lang ako. Masyado rude iyong part na nagpaalam ako kay Civian through phone. Hindi dahil sa hindi ko kinoconsider feelings niya Civian its just wala lang ako lakas ng loob harapin siya dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko mapapanindigan at hindi ako makakaalis kapag kaharap ko si Civian. Once pigilan niya ako—"
Hindi na naituloy ni Benzo ang sasabihin. Maaari hindi siya makatuloy pero nandoon iyong part na pagsisihan niya iyon at mamatay siya sa pag-aalala.
"Iyan din reason kaya hindi kita kinontak all of this years. Baka bigla na lang din ako umuwi ng pilipinas kapag nakausap kita," banat ni Civian. Napatigil si Benzo at lumingon. Sinabi ni Civian na ayos lang iyon.
"If gawin mo ulit iyon. Maaari mapatawad ka ulit ni Civian pero sa susunod na hindi ka magpaalam at paiyakin mo ulit si Civian ako ang puputol sa paa mo para hindi ka na makatakbo ulit."
Napangiwi si Benzo at Civian na siya naman kinatawa ni Charles.
Mukhang seryoso doon si Carsel kaya naman agad na kumapit si Benzo kay Civian.
"Dont scared him like that brother Carsel."
May dumating na staff ng mansion tapos may inabot na documents kay Charles. Napatingin sa kaniya si Carsel sinabi na nandoon sila para magrelax.
"I know dont worry hindi ito about sa work."
Nilabas ni Charles ang papel na nasa loob ng envelop.
"Ophelia Monteveros. She's pretty," ani ni Charles. Sinabi ni Carsel na mga babae sa Monteveros ay may mga kulang na turnilyo.
Napangiwi si Civian dahil masyado vulgar ginamit na words ni Carsel.
"How is that?" tanong ni Charles at nilingon ang kapatid.
"Nameet ko sila once. Nagattend ako ng party 7 years ago kasama si Arlo and nameet ko sila," sagot ni Carsel. Compare naman sa mga kapatid niya si Ophelia ang pinakaeasy going at chill lang pero hindi maganda pakiramdam niya babae na iyon since makita niya ito.
"Agree, nakita ko once si Isadora Monteveros nakikipagsex sa restroom ng boys," ani ni Civian. Nilingon siya ni Benzo— agad na nagtaas ng kamay si Civian sinabi na hindi siya naninilip.
"Aksidente lang iyon."