Part 7

2090 Words
Alyas Kanto Boy Ai_Tenshi Part 7            Hapon na noong makarating sa compound nila Raul. Bitbit ko ang isang plastic ng grocery at isang paper bag na nag lalaman ng smartphone na aking ibibigay sa kanya. Ganoon talaga "share your blessings" hehehe, kaya wag tumaas ang kilay nyo. Walang ibig sabihin ang pag bibigay ko dahil sadyang inborn sa akin ang pagiging matulungin. Teka, bakit nga ba ako nag papaliwanag sa inyo eh kwento ko to. Hmp! Pag dating ko sa kanyang flat, laking pag tataka ko dahil walang tao dito. Hapon na ngunit baka nasa tambayan pa ito kaya naman nag pasya akong ipag luto na lamang siya. Mabuti na lamang dahil nasa akin ang duplicate key ng kanyang silid kaya't madali ko itong napapasok. Agad akong nag tungo sa kusina upang mag handa ng pagkain para sa kanya. Inayos ko na rin ang mga nag kalat na gamit niya sa sahig katulad ng mga maduduming short, tshirt, mga playboy magasin, tissue na natuyong t***d at kung ano ano pa. Grabe! Barakong barako ang nakatira sa silid na ito. Hindi katulad noong si Myron ang may ari ng kwarto, parating mabango ito at malinis ang paligid. Makalipas ang ilang minutong pag lilinis, muling bumukas ang pinto ng silid at pumasok na nga si Raul dito, suot ang kulay itim na sando at sira sirang maong na babahiran ng kalawang at putik. "Aba, anong ginagawa dito ng prinsipe ko?At ikaw pa ang nag luto." ang wika nito at laking gulat ko ng bigla akong hinalikan sa labi. Para siyang asawa na umuwi galing sa trabaho at hinahalikan ang kanyang misis pag dating sa bahay. "Saan ka ba galing? Saka bakit ginagabi ka naman yata?" pag tataka ko. "Ah kaya ako ginabi kasi ay sumegway pa ako doon sa construction sa kabilang kanto. Kulang daw kasi sila sa tauhan kaya ako na ang nag punta." ang wika nito habang naka yakap sa aking likuaran at pinag mamasdan ang aking nilulutong pochero. "Ummpp, ang bango ah." ang wika nito habang tila takam na takam. "Maligo kana nga muna Mr. Robles. Amoy araw ka eh." pang aasar ko sabay abot ng isang paper bag na nag lalaman ng cellphone. "Oh para saiyo." "Wow! Para sa akin ito? Mahal to ahh, baka naman nabibigla ka lang tol?" pag tataka nito at hindi maitago ang labis na tuwa. "Para sa iyo yan tol. Kailangan mo yan para mas madali kitang nakokontak kapag kukumustahin ko ito silid. Katulad nalang kanina, gabi na ay wala ka pa rin at hindi lang iyon dahil ang daming kalat sa sahig. Iingatan mo naman itong silid, baka isang linggo lang ay amoy t***d mo na dito!" ang panenermon ko at hindi pa ako nakakatagpos mag salita ay bigla nanaman niya akong hinalikan sa labi dahilan para mapatigil ako. "Bakit mo ko hinalikan?" ang naiinis kong tanong Tumawa ito at binasa ang labi gamit ang kanyang dila "Ang daldal mo kasi eh, kaya ngayon sa tuwing mag dadaldal ka ay hahalikan kita para matahimik ka." ang wika nito habang naka ngising nakakademonyo. "Ewan ko sayo! Maligo ka na nga!" tugon ko naman sabay tulak sa kanya papasok ng banyo. Kunwari ay naiinis bagamat sa loob ko ay tila kinukuryente ako sa kakaibang kilig. "Hindi ka sasabay sa akin?" tanong niya habang naka sungaw ang ulo sa pinto ng banyo. "Hindi. Wala ako sa mood para mag kaskas ng libag sa katawan mo. Bilisan mo maligo para maka kain na tayo." "Sunget mo naman eh, may regla ka ba?" "Wala. Ligo na!" Habang nasa ganoong paliligo si Raul, tinagpos ko naman ang pag hahanda ng aming hapunan. Hindi ko lubos maipaliwanag ngunit kakaibang saya ang nararamdaman ko kapag nandito ako sa silid na ito, kaibahan noon na halos mag tago ako para lamang makatakas sa matinding kalungkutan kapag nakikita ko ang lugar na ito. Marahil ay malaki ang epekto ni Raul sa pag babagor ng aking persepyon kaya't kahit papaano ay umuusad ako palayo sa aking masalimuot na nakaraan. Kaya naman ayos lang para sa akin na araw araw tulungan si Raul dahil higit pa rito ang nagagawa niya para sa akin. Hindi man niya iyon alam ngunit sapat na ito para mapasaya ako ng todo todo. Noong gabi ring iyon ay pinag saluhan namin ang pag kain sa hapag kainan. Kwentuhan, biruan at siyempre katakot takot na sermon din ang inabot nito sa akin PERO lambing ko lamang iyon sa kanya. Hindi naman ito napipikon at lagi pa niya sinasabi sa akin na "para daw akong isang girlfriend na kulang sa halik at yakap kaya't nag susungit ako." At babae talaga ang tingin niya sa akin kaya ganoon nalang ako kung kanyang ituring bagamat lalaking lalaki naman talaga akong mag salita o kumilos. "Oh bakit ganyan kang makatingin sa akin?" ang tanong nito habang punong puno ng pag kain ang kanyang bibig. "Ah eh wala! Ang gwapo mo kasi!" sarcastic kong sagot. "Gwapo talaga ako, makisig at pantasya ng mga kababaihan dito sa buong compound. Ang lahat ng mga nakaka salubong ko ay tumutulo ang laway kahit pa yung asong nakatali doon sa eskinita. Nakakapagod na nga maging gwapo e." pag yayabang nito habang naka ngising parang isang gago. "Edi wow. Nahiya naman ako sa kagwapuhan mo. Kumain ka pa ng marami dahil baka nalilipasan ka ng gutom." pang aasar ko bagamat talaga namang gwapo siya. Matapos ang hapunan, agad akong nag ayos ng aking sarili upang mag handa sa pag uwi. Wala naman kasi akong balak na matulog dito sa flat kasama siya, mahirap na dahil baka mapasailalim nanaman ako sa kanyang mapang akit na anyo. Kapag nakayakap ito sa akin ay para bang kontrolado na niya ang lahat at wala na akong karapatan sa aking sarili. Basta ganoon ang pakiramdam ko kaya uuwi na lang ako. "Saan ka naman pupunta?" ang tanong nito habang nakaharang ang katawan sa pintuan. "Huwag kana humarang dyan dahil uuwi na ako." ang pag susungit ko naman. "Walang uuwi ngayong gabi. Hindi ka uuwi tol. Bakit? Dahil ayoko! At isa pa ay napaka delikadong mag lakad doon sa kanto dahil maraming drug adik na tambay doon. Dito ka nalang muna sa akin upang mas mabantayan kita." "Bakit kailangan mo kong bantayan e hindi naman ako sanggol o pasyente sa ospital no. Bakit hindi mo nalang kausapin ang mga alagad mong tambay doon sa kanto na maging mabait sa mga dayuhang kagaya ko. Im sure makikinig sila sayo dahil ikaw ang hari nila." pang aasar ko habang pinag pipilitan ang aking katawan na dumaan sa pintuan kung saan ito naka harang . "Ah ganon. Hindi mo man lang ako na miss no? Kung sabagay sino ba naman ako para humingi ng kaunting panahon sa iyo?" ang salita nito na parang isang tutang inapi habang nakatitig sa aking mata. Para bang ipinapakita niya sa akin ang kanyang kaawa awang mukha. "Huwag nga akong daanin sa puppy eyes mo. Paawa effect ka pa dyan eh." asar kong tugon. "Basta tol, isinusumpa ko sa lahat ng mga sira ulo at loko lokong drug adik na namatay sa compound na ito na hindi ako aalis dito at hindi kita hahayaang makalabas ng silid na ito." pag mamatigas niya habang mas lalo pang itinaas ang kanyang kamay pa dipa sa magkabilang haligi ng pintuan kaya naman wala akong nagawa kundi panonoorin na lamang siya sa kanyang kautuang ginagawa. "Oh sige na Mr. Robles hindi na ako uuwi kaya't umalis kana diyan sa pintuan at baka kagatin pa ng lamok iyang kili kili mo." pang aasar ko at muli kong inilapag ang aking knapsack sa ibabaw ng kanyang kama. "Yey! Ayos!!" ang galak na salita nito sabay yakap sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang itanong sa aking sarili kung ano ba ang mayroon kami o kung ano ba ako sa kanya. Kaibigan ba? Espesyal na kakilala o baka naman mas mahigit pa doon? Ewan ko ba, minsan natatakot din akong mag tanong lalo na kung alam mong mahirap tanggapin ang kasagutan at sa maging sa puntong ito ay hindi ko rin alam ang sagot sa mga bagay na dapat kong itanong kung mayroon man. Kaya wag nalang itanong. Tahimik.. Habang nasa ganoong posisyon kami, binuksan ni Raul ang tv at nahiga ito sa kamay habang ang kanyang braso ay nakalagay sa kanyang ulo. Kitang kita ko tuloy ang matipunong katawan nito na tila nililok sa perpektong hugis. Muling gumalaw ang kamay nito at inabot ang remote control sabay lipat sa isang sikat na music channel. Doon ay tumutog ang isang kanta na saktong sakto sa aking nararamdaman. At pag kakataong ito ay mas nakarelate pa ako sa mga salitang ginamit sa naturang kanta na tila patama sa aming dalawa. Huwag mo nang itanong MYMP   Hika ang inabot ko Nang piliting sumabay sa'yo Hanggang kanto Ng isipan mong parang Sweepstakes Ang hirap manalalo Ngayon pagdating ko sa bahay Ibaba ang iyong kilay Ayoko ng ingay   [CHORUS] Huwag mo nang itanong sa akin Diko rin naman sasabihin Huwag mo nang itanong sa akin At di ko na iisipin   Field trip sa may pagawaan ng lapis Ay katulad ng buhay natin Isang mahabang pila Mabagal at walang katuturan Ewan ko Hindi ko alam Puwede bang huwag na lang Natin pag-usapan   [CHORUS] Huwag mo nang itanong sa akin Diko rin naman sasabihin Huwag mo nang itanong sa akin At di ko naiisipin   Ewan ko Hindi ko alam Puwede bang huwag na lang Natin pag-usapan   Huwag mo nang itanong sa akin Diko rin naman sasabihin Huwag mo nang itanong sa akin At di ko na iisipin   Huwag mo nang itanong sa akin Diko rin naman sasabihin Huwag mo nang itanong sa akin At di ko na iisipin Sinabayan ko ang kanta at tila nadala ako sa mensahe nito. At habang nasa ganoon akong pakikinig, hindi ko namamalayan na nakatitig na pala sa aking mukha si Raul at nakangiti ito habang naka pako ang kanyang mata sa aking harapan. "Tangina, feel na feel mo ah." pang aasar nito sabay balibag ng unan sa aking mukha. "Arekupp! Inaano ba kita?!" ang galit kong tanong sabay hampas ng unan sa kanyang tiyan. "Arekup! Mas masakit iyon ahh. Natawa lang naman ako sa itsura mo, daig mo pa yung singer doon sa t.v. Tangina panalo kaaaa!" ang muli pang aasar nito habang sinasangga ng kanyang kamay ang walang tigil na pag hampas ko ng unan sa kanyang katawan. "Nakakainis! Pakiramdam ko tuloy ay napahiya ako!" ang sigaw ko sa aking sarili habang patuloy sa aking ginawang pag ganti sa kanya. "Tol, tama naa! Baka masira yung unan. Oh baka naman talagang balak mo itong sirain para dito ka makahiga sa aking maselang braso?! Laki oh, bango pa.". "Yuckkk! Kapal mo! Mas gugustuhin ko pang mag unan ng kaserola o rice cooker kesa humiga diyan sa braso mo!" "Oh edi kunin mo yung kaldero at doon ka mahiga. Alam ko namang mas gusto mo pa ang mahiga sa ibang bagay kaysa sa braso ko." pag mamaktol nito sabay talikod sa akin. "Oh tamo, ikaw naman tong mahilig mag inarte. Para binibiro lang eh. Arte arte!" naiinis ko tugon sabay higa sa kanyang tabi. Hinatak ko ang kanyang braso at doon ay umunan ako. tahimik ulit.. Walang kibuan.. Nanatili lang ako sa ganoong pag kakahiga habang ito naman ay pinag mamasdan ang aking mukha. "Oh bakit ganyan kang makatitig sa akin?Baka malusaw ako niyan." pag aasar ako. "Bakit? masama ka bang titigan? Hindi ka naman siguro santo hano." sagot naman niya habang patuloy na nakatitig sa aking mukha. "Eh kasi hindi ako komportable na tinititigan ako." pag mamaktol ko naman. "Oh edi wag!" muling mag mamaktol nito sabay takip ng unan sa kanyang mukha. "Arte arte naman nito." bulong ko sa aking sarili habang niyayakap ito na parang nag iinarteng bata. "Wag mo sinusungitan ang boyfriend mo. Hindi kasi magandang tingnan." ang muling hirit nito dahilan para tumaas ang aking kilay. "Boyfriend? As in? Tangina ano iyan imodium? Ganoon kabilis?" sarcastic kong tugon. "Boyfriend.. sa tagalog ay kaibigang lalaki. Malisyoso ka naman kasi." pag depensa nito kaya naman tila hinataw ng isang matigas na bagay ang aking ulo. Napahiya yata ako ng kaunti sa kanyang sagot dahilan para hindi agad ako makatugon. Ang pakiramdam ko ay binusalan ng kung anong bagay ang aking bibig. "Oh edi wow." ang tanging naisagot ko sabay dila sa kanya "bleh". Ilang oras din kami sa ganoong pag iinisan hanggang sa tuluyan kaming nakaramdam ng pagod. Bago tuluyang ipikit ang aking mga mata, ginawaran ako ni Raul ng isang matamis halik kasabay nito ang pag papasalamat sa lahat ng bagay na naitulong ko sa kanya simula pa noon. Ang hindi lamang niya alam ay labis akong natutuwa dahil nakikitang kong marunong itong mag pasalamat sa lahat ng biyayang kanyang tinatanggap kaya't masasabi ko na maayos rin siyang pinalaki ng kanyang mga magulang bago ito binawi ng may kapal. At dahil dito ay unti unti ko nang nakikilala ang isa pang parte ng pag katao ng tambay na si Raul. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD