Alyas Kanto Boy Ai_Tenshi Part 43 Maaga pa lamang ay tumulak na kami patungo sa huspisyo kung saan nag mula si Raul, dito ay pipilitin naming buksan ang kandado ng kanyang nawawalang nakaraan upang ganap na maging buo ang kanyang pag katao. Sa loob pa lamang ng sasakyan ay hindi na ito mapakali at tila ba may kung anong bumabagabag sa kanyang damdamin kaya naman pilit ko itong pinapakalma sa pamamagitan ng pag kkwento ng masasayang bagay bagamat hindi ko alam kung epektibo nga ba itong ginagawa ko o walang talab sa kanya. "tol, subukan mong relax, wala namang mababago sa inyong pag katao, bagkus madadagdagan pa ito. Kahit ano pa ang sikreto ng iyong nakaraan ang ikaw ay mananatiling ikaw pag katapos ng lahat." bulong ko dito habang inililingkis ang kamay pagapang sa kanyang bewang. "sal