Pakiramdam ni Kevin ay tumigil ang oras sa mga sandaling iyon. Hindi siya makapaniwala na nasa harapan niya ngayon ang babaeng akala niya ay wala na. Ang babaeng kay tagal niyang inuulila. Ang babaeng mahal na mahal pa rin niya kahit na ilang taon na ang lumipas nang inakala niyang naglahong parang bula. Muntik na niyang masugod ng yakap si Kiara. Subalit natigilan siya nang may mapansin siya. Bakit gano'n? Magkasalubong ang dalawang kilay niya na pinasadahan ng tingin ang kabuuan ni Kiara. Mula ulo hanggang paa, paa hanggang ulo. "K-Kiara, ikaw ba 'yan?" naitanong niya na hindi na sigurado kung ito ba si Kiara na kilala niya noon o hindi. Dahil bakit dalaga pa rin ito? Bakit hindi tumanda tulad niya o nagka-edad man lang? Tila natauhan naman si Kiara. Napakislot na siya at kumapit sa

