Sampung oras na ang makalipas pero hindi pa rin tapos ang operasyon ni Erin matapos dalhin ni Alejandro ang babae sa pinakamalapit na ospital ay hindi pa rin mapalagay ang lalaki halos sakalin na niya ang doktor nang dalhin niya ang babae sa ospital. Nanginginig si Alejandro sa takot. Ayaw niya mawala si Erin sa kanya ni hindi niya pinansin ang mga kasamang dumating. Ang nagtatagong si Danica ay awang-awa sa kapatid. Tahimik naman si Abby na nakaupo lamang sa upuan. Ang mag-asawang Zchneider ay ganoon din. Ayaw magpapigil ni Alyona na pumunta rito kahit pa ilang beses na itong pinigilan ni Hellion. Si Jask at Karlos ay agad na nag-discharged sa ospital matapos nilang magising at malaman ang nangyari hindi na nagdalawang-isip ang dalawa kahit pa may mga benda sila sa buong katawan.

