Ilang araw ng nag-aalala si Alejandro kay Erin dahil kakaiba ang ikinikilos nito. Hindi niya makausap nang maayos si Erin at nakatingin palagi sa malayo nais niyang kausapin ito ngunit palagi itong umiiwas kapag nag-uumpisa na siyang magsalita. Iibahin nito bigla ang pag-uusap o hindi kaya magrarason ito na may gagawin kahit wala naman. Iniisip niya kung may nagawa ba siyang kasalanan rito pero wala naman bukod sa huling pag-uusap nila noong mag-agahan sila. Ang tanong lang naman nito ay tungkol sa bata at buntis hindi naman alam na seseryosohin iyon ni Erin. He thought maybe the woman is just asking and it has nothing to do with their relationship. He’s waiting for her outside so, they could talk seriously with this matter. Hindi niya kaya ang ilang araw na pagkabalisa ni Erin lalo

