Dalawang linggong hindi umuuwi si Erin kay Alejandro. Dalawang linggo itong nagkukulong sa garden ng mga bulaklak nito sa likod ng flower shop niya. Ang hardin na iyon ay napapalibutan ng matibay na salamin para sa mga bulaklak na hindi nabibili. This is her Green House for her flowers. Dito nakalagay ang mga bulaklak na hindi nabibili at ang mga bulaklak na hindi pwedeng mae-expose nang mahabang oras sa shop niya at kung may order man na wala sa shop dito niya kinukuha. Sa likod ng mga bulaklak ay nagset-up ng portable bed si Erin at gabi-gabi doon natutulog sa makalipas na dalawang linggo hindi siya makauwi sa dating tinutuluyan nila nina Danica dahil wala roon si Danica pati na rin si Abby ay abala na sa bagong proyekto nito. Ilang araw nang matamlay si Erin dahil sa nangyari niton

