“Are you alright, mia bella?” Alejandro asked his woman. Gabi na pero hindi pa rin sila nakakamove-on sa nangyari kanina. Inayos ni Alejandro ang buhok ni Erin dahil sa pagkakabuhul-buhol nito. Hinawakan din ng binata ang pisngi ni Erin dahil namumula ito mula sa pagkakasampal ni Bridgette. Tahimik si Erin habang nakaupo sila sa kama. Binalikan niya ang mga nangyari kanina hindi na niya sana papatulan ang babae pero talagang sinagad nito ang pasensya niya. Hindi naman papatol si Erin kay Bridgette kung hindi talaga below the belt ang sinabi nito. Alam na niya eh’ alam na niya noong una palang ang ugali ni Bridgette kaya hindi niya kayang magtiwala. “I’m okay,” mahinang bulong ni Erin kay Alejandro. Nakahiga siya sa kandungan nito at hinihimas ni Alejandro ang kanyang buhok. Ginam

