“ANONG PROBLEMA NIYAN?” Nguso nang kadadating na si Karlos kay Alejandro na halos nguyain na ang bote ng alak. Talagang naglalasing si Alejandro at tila ayaw niyang magpapigil kaya naman sinabayan nalang siya nila Hellion mukhang problemadong-problemado siya at panay lang ang lagok niya ng inumin. Jask shrugged at Karlos. Maging si Jask hindi din alam nakikisali lang talaga ito sa maagang paglalasing ni Alejandro kasama si Hellion. “Hindi ko din alam. Nakikisali lang din ako dito kasi may libreng alak.” Sagot ni Jask kay Karlos. Napatampal nalang ng noo ang binatang Doktor sa tinuran ni Jask. Si Leon naman ang binalingan ni Karlos upang magtanong pero mukhang nauna na itong nalasing kaysa sa taong may problema na sana’y gustong magpakalasing. Napailing nalang si Karlos at tumab

