Chapter 2
Bago umalis at pumasok ay sinisigurado ni Lucylyn na maayos na nakasara ang pinto ng bahay nila. Nang matiyak niyang naka-lock na ang lahat ay saka lamang sila ng anak naglakad palayo sa apartment nila.
Gamit ang isang kamay ay hinawakan ni Lucylyn ang isang kamay ni Brielle.
Sinilip ni Lucylyn ang anak at nakita niya na pasimple nitong iginagalaw ang balikat nito kung saan nakasabit ang bag nito. “Mabigat ba?”
Nagtataka na tumingin sa kanya ang anak. “Po?”
“Mabigat ba ang bag mo? Mukhang nilagay mo na naman ang lahat ng libro mo.”
Napangiwi si Brielle sa kanya. “Medyo po.”
Lucylyn took a deep breath. “Amina. Ako na ang magdadala ng bag mo.” Kinuha niya ang bag na nakasukbit sa balikat nito na agad namang ibinigay ng anak niya.
Lucylyn can’t help but to laugh when Brielle stretches her small arms with a loud breath sound animo nakahinga ito ng maluwag dahil nawala na ang mabigat na dala nito.
“Kaya mo ba na buhatin ang lunch bag natin? Hindi ba mabigat?” Sunod-sunod na tanong niya.
Nakangiti na umiling sa kanya si Brielle. “Kaya ko na po Mama. Hindi naman po mabigat ang lunch bag natin.”
Lucylyn nodded. “Mabuti naman kung ganun.”
Ilang metro na lang ang lalakarin nila ng anak at mararating na rin nila ang sakayan ng tricycle. Kaya naman kauntis tiis na lang ang kailangan at maibababa na ni Lucylyn ang mga dala niya. Lagi siyang maraming dala dahil sa mga paper activities ng mga estudyante niya kaya naman lagi silang hinahatid ni Jeremiah hanggang sa eskwelahan. Pero ngayon ay kailangan magtiis ni Lucylyn na bitbitin lahat dahil hindi naman niya pwedeng pagbuhatin ang anak niya ng mabibigat na dala niya.
“Tatay Boy!” Masayang hiyaw ng anak niya ng makita ang tricycle driver na ka-close nito.
“Brielle huwag kang tumakbo baka madapa ka,” suway niya sa anak ngunit hindi ito nakinig sa kanya.
Masayang tumakbo ang anak papunta sa matanda na tuwang tuwa naman na sinalubong ang anak niya. Napabuntong hininga na lamang si Lucylyn at hinayaan ang anak na tumakbo.
“Naku, Brielle, apo lalo ka gumaganda ah…” nakangiting sambit ng matanda ng huminto ang anak sa harapan nito.
“Mana lang po ako kay Mama, Tatay Boy.” Inosenteng sagot nito na siyang nagpatuwa sa kanila ng matanda.
Ginulo ng matanda ang buhok ni Brielle na siyang ikinahaba ng nguso nito. Ayaw na ayaw kasi nito na ginugulo ang buhok nito sa hindi niya malaman na dahilan. Tatay Boy stood up and approached her.
“Tulungan na kita sa bitbit mo Hija.” Kinuha nito ang ilan sa bitbit niya at magkasabay na tinungo nila ang maliit na tricycle nito kung saan nakasakay na ang anak niya. “Hindi yata kayo hinatid ngayon ni Jeremiah,” nagtataka nitong tanong.
“Nauna pong umalis si Jeremiah, Tatay. Kailangan kasi nilang pumasok ng maaga ngayon dahil marami daw po ang customer nila sa shop at isa pa ay alam nyo naman po na nagsisipag ngayon ang asawa ko dahil malapit na ang araw na pinakahihintay namin.”
Tumango tango sa kanya ang matanda. “Mabuti at ipinaalala mo. Muntik ko na makalimutan ang araw na pinakahihintay ng apo ko.”
Tatay Boy treat her daughter like his own grandchild. They are not blood related but they treat each other like a family. Wala kasing anak si Tatay Boy kaya naman ganoon na lang ang tuwa nito kapag nakikita nito si Brielle.
Mabait si Tatay Boy pati na din ang asawa nito na si Nanay Teressa. Parehong malapit sa kanila ang mga ito. Ngunit madalang nilang makita ang Nanay Teressa nila dahil may sakit ito sa puso kaya naman lagi lamang itong nasa bahay at namamahinga.
“Maraming salamat, Tatay,” nakangiting sambit ni Lucylyn ng tulungan siya nitong makapasok sa tricycle nito.
“Walang anuman, Hija.” Inabot nito ang mga gamit niya na agad naman niyang tinanggap.
Agad na umikot ang matanda papunta sa pwesto nito at binuhay ang makina ng tricycle. Nang mabuhay nito ay agad itong nagpaalam sa mga kasama nito sa pila na mga tricycle driver rin bago nito paandarin ang sinasakyan nila papuntang Graciano Elementary School.
“Mama pahiram po ako ng cellphone mo. Kukunan ko lang po ng picture ang suot ko ngayon para sa OOTD ko.” Nakalahad ang kamay na sambit ni Brielle.
Her daughter is kinda a photogenic. Gusto nito lang nakaharap sa camera at kinukuhanan ng litrato mapamukha man nito o kasuotan nito sa araw na iyon. Kaya naman hindi na magtataka si Lucylyn kung sabihin man ng anak niya na gusto nitong maging isang artista o hindi naman ay model.
Brielle is a beautiful and cheerful kid kaya naman tiyak niya na tatanggapin ang anak niya sa kahit na anong agency.
“Here,” inilagay niya sa palad nito ang cellphone niya. Kinuha niya ang lunch bag na nasa hita nito para makuhanan nito ng maayos na litrato ang suot nitong school uniform.
The smile on Lucylyn face is getting bigger and bigger everytime her daughter will pose in front of the camera. Natutuwa siya sa anak na ngiti nang ngiti at pose nang pose sa harap ng camera. Lucylyn happiness is her daughter’s happiness. Kung saan ito masaya ay doon na rin siya basta kaya niya ay susuportahan niya ito sa lahat ng gusto nito.
“Ma?”
Lucylyn glanced at her daughter. “What is it?” she asked.
“Pwede mo po ba akong kunan mamaya ng picture sa garden ng school?” balik na tanong nito sa kanya.
She nodded. “Oo naman.”
“Thank you, Mama. Kaya love na love po kita.” Ibinalik nito sa kanya ang cellphone at saka siya hinalikan sa pisngi. “I love you, Mama.”
Hinalikan din niya ito sa pisngi. “Mahal na mahal ka din ni Mama. Lagi mo iyang tatandaan.”
Ilang minuto pa ang hinintay ni Lucylyn bago huminto ang sinasakyan nilang tricycle. Pababa na sana si Lucylyn ng biglang lumitaw si Tatay Boy sa harapan niya. Kinuha nito ang mga gamit sa hita at lapag ng tricycle para makalabas sila ng anak niya ng maayos.
“Naku, Tay. Sana ay hindi ka na bumaba sa tricycle mo kaya ko naman po.” Aniya.
Narinig niya ang mahinang tawa nito. “Ano ka ba naman. Tiyak na mabigat ang mga dala mo wala pa naman ang asawa mo ngayon para tulungan ka kaya naman hayaan mo na ako na ihatid kayo hanggang sa gate ng eskwelahan.”
Kahit na pigilan ni Lucylyn ang matanda ay tiyak na hindi ito makikinig sa kanya kaya naman sa bandang hulo ay hinayaan na lamang niya na gawin ang gusto nito.
“Maraming salamat po, Tatay Boy.”
Pagkatapos kuhanin ng matanda ang mga gamit nila ay nauna siyang bumaba bago niya tulungan ang anak na makababa sa tricycle. Hawak ang kamay na naglakad si Lucylyn at Brielle habang nasa tabi ng anak niya si Tatay Boy nito.
“Dito na lang Tatay Boy. Maraming salamat po, hindi mo na po trabaho na ihatid at tulungan kami ni Brielle sa mga gamit namin pero ginawa mo pa rin.” Anas niya sa matanda ng huminto sila sa gilid ng gate dahil maraming estudyante ang nagdarating sa mga oras na ito.
“Walang anuman, Hija. Masaya ako na makatulong sa inyo nitong maganda kong apo.” At pinantayan nito ang anak at saka binilinan. “Mag-aral ka ng mabuti apo, Brielle.”
“Opo, Tatay Boy. Papakita ko po ulit sa inyo mamaya ang marami kong stars,” her daughter replied. Her daughter is not just good at taking pictures, Brielle is also good at her academics. Sa katunayan ay hindi ito nagpapahuli sa klase nito.
Habang kausap ng anak ang matanda ay kinuha naman niya ang pitaka niya para kumuha ng ibabayad niya. Kumuha siya doon ng pambayad at iniabot iyon.
“Eto, Tay.” Tinanggap nito ang pamasahe nila. “Maraming salamat po ulit. Mag-iingat ka Tatay Boy sa pagda-drive. Ikamusta mo na lang po ako kay Nay Teressa.”
Tumango sa kanya bilang sagot ang matanda. “Mauna na ako, Hija. Bye, apo. Mag-aaral ka ng mabuti. Galingan mo.” Pagkatapos nitong magpaalam ay bumalik na ito sa tricycle nito. Bago ito umalis ay kumaway pa ito sa anak at tinanguan naman siya nito.
Pinanood nila ito hanggang sa mawala ito sa paningin nila bago magpasya na pumasok na ng eskwelahan. ‘
This would be a long day for Lucylyn and for her daughter, Brielle. Another tiring day but she likes the athmospere when she’s inside of her classroom and teaching the students. Bata pa lang siya ay gusto na niyang maging guro kaya naman na ngayon na guro na si Lucylyn ay wala siyang ibang ginawa kung hindi ibigay ang lahat sa trabaho niya.
She also likes the idea that she gives inspiration to her students. She loves the art of teaching.