Nagising si Andrea sa tunog ng alarm na nanggagaling sa kanyang cellphone. Nakapikit pa itong tumayo at inabot ang kanyang cellphone na nakapatong sa maliit na dresser sa kanyang uluhan at pinatay ang alarm noon. "Another boring day." usal ni Andrea. "Steep. Wala ka na bang balak bumangon? Anong oras na?" tanong niya sa katabi niya na himbing na himbing sa pagkakatulog. Tinapik niya ang puwitan noon. "Hindi kita papakainin ng hotdog ngayon!" pananakot ni Andrea at dali dali namang tumayo ang kausap niya at saka tumahol. "Ayan, pagdating sa pagkain mabilis ka." aniya at saka na siya tumayo para magtungo sa kusina at magluto ng kakainin nila. Tatlong taon na mula ng umalis si Andrea at lumipat sa Singapore at nagsimula ng bago at tahimik na buhay malayo sa mga taong naging dahilan ng pa