Julia’s POV "You have a pair of a beautiful ones, Julia." Agad ko siyang naitulak nang matauhan. Para akong nakahinga nang maluwag nang medyo nagkaroon ng distansya sa aming dalawa ni Theo. "f**k it!" daing niya habang nakasalampak pa din at hinihimas ang puwetan niyang unang tumama sa sahig. Mabilis akong pumunta sa kusina. Alam ko naman na ang pasikot-sikot dito dahil mula sa pinto ng unit na ito ay makikita sa kaliwang bahagi ng unit ang kusina. Para akong natuyuan ng lalamunan. Naiinitan din ako at pinagpapawisan kaya napapaypay rin ako habang umiinom ng tubig. Pagkabalik ko sa sala, nadatnan ko siya na nakataas ang paa sa center table habang nanunuod ng TV. Ganun na lang iyon? I felt awkward but he looks like he’s not even bothered from what happen to the both of us. "Tara!