Kate's POV Kanina ko pa kinukulit si Cody para bilhan ako ng mansanas. Hindi ko alam pero takam na takam akong kumain ng mansanas. Naglilihi siguro ako. "Walang hiya. Si Theo na pabilhin mo ng mansanas. Mag-i-end of the world na lang, gusto mo pang bumili ng mansanas. Tch!" asar niyang sabi at umiling-iling habang nagmamaneho. Feeling ko parang naluluha ako. Gusto ko talaga ng mansanas. Gusto ko na talagang makakain ng mansanas. Nagsimula na akong humikbi na ikinainis ni Cody at iniliko ang kotse papuntang market na siguradong sirado na ngayon. Nang mai-park na sa tapat ng market ang kotse, agad siyang bumaba at pumunta sa likod ng market. Napangiti na lang ako. Pasensiya na, Cody. Sabi ko na lang sa isip ko at naghantay. Mga isang minuto nang makabalik siya at may dalang isang kahon.

