Kate's POV Agad akong napangiti nang maramdaman ko ang presensiya ni Theo sa likod ko. Sa isang iglap, nakapulupot na ang dalawa niyang braso palibot sa beywang ko habang ang dalawa niyang kamay ay nasa tiyan ko. "Nakatulog ka ba ng mahimbing?" tanong niya at ipinatong ang ulo niya sa kaliwang balikat ko. "Sa tingin mo?" Nakangisi kong sabi at humarap sa kaniya. Pinaikot ko ang mga braso sa leeg niya at sinalubong ang mga mata niya. He's smiling. "Sa tingin mo? Paano ako makakatulog kung minu-minuto, pinapapak mo ang mukha ko?" Nakangisi kong sabi. Nanlalaking mata na napatitig siya sa akin at hindi makapagsalita. "Cat got your tongue?" nang-aasar ko na sabi sa kaniya. "Tch! Gising ka pala noon? Na-miss lang naman kita, eh?" Nakapout niyang sabi at niyakap ako. Napatawa na lang ak

