Confused

1188 Words
Julia's POV Nagising ako na nandito ako sa kwarto ko. Weird.  Bumangon na ako at naligo. Habang naliligo ako, feeling ko parang medyo makirot ang likod ko, maging ang balakang ko ay nananakit pero nakakapaglakad at nakakagalaw naman ako ng maayos. Weird talaga. Ilang minuto ang lumipas, nakapaghanda na ako. Habang tinatahak ang daan papunta sa Blackwell, napatigil ako nang makakita ng mga nagkukumpulang mga tao doon sa may TV shop. Nang makalapit ako, kasalukuyang may binabalita ang isang news channel dito sa bansa at ang binabalita ay nakakakilabot.   Tatlong katawan ang natagpuang patay sa ciudad. Hinihinalang isa lamang itong animal attack o  kaya ay murder para lamang matakot ang mga residente. "Ito ay hindi basta-bastang pagpatay lamang." Napalingon ako sa matandang lalake na nagsalita sa tabi ko. "Ano pong ibig niyong sabihin,Lolo?" Naguguluhan kong tanong. Napabuntong-hininga ang matanda at tumitig sa akin. "Iha, tuwing gabi. Lalo na't pagsapit ng alas-dose, huwag na huwag kang lalabas at siguraduhin mong nakasirado ang buong bahay." Tumingin muli ang matanda sa mga TV na kasalukuyang pinapakita ang mga ebidensiya ng pagpatay. Natigilan ako nang makitang may dalawang butas ang nasa leeg ng isa sa mga patay.  "Hindi tao ang may gawa nito. Halang ang kaluluwa at uhaw lamang sa dugo ang may gawa ng ganyang klae ng pagpatay." Huling sabi ng matanda na tumataktak sa utak ko habang tinatahak ang daan papuntang Blackwell. Pagkapasok na pagkapasok ko sa room. Nadatnan kong marami-rami ang mga studetnt na pumapasok ngayon. Nasa higit trenta na kami lahat. Tinitigan ko ang buong room nang biglang magtama ang mata naming dalawa ni Theo. Siya ang unang umiwas ng tingin at bumaling kay Dylan atsaka kinalabit ito. Lumingon sa akin si Dylan saka kumaway. "Julia! Dito ka dali!" Tawag sa akin ni Dylan. Napatingin sa akin ang lahat kaya nakayuko akong naglalakad papunta sa katabing upuan ni Dylan. Buti na lang at wala pa ang Professor namin. "Ang dami na natin ngayon, ano? Start na kasi," sabi ni Dylan. Tumango na lang ako bilang sagot kay Dylan. Nawe-weirduhan pa rin ako at hindi matanggal sa isipan ko iyong sinabi ng matanda sa akin. "Are you okay?" "Ay! Palaka ka. Jusko naman, Theo. Huwag ka naman bigla-biglang sumusulpot dyan!" "Tch! Baliw." sabi ni Theo at sumandal sa seat niya. "Sungit!" Bulong ko at humarap sa bintana nang may mapansin ako. "Nasaan si Dylan?" Tanong ko kay Theo. "Comfort room." Nakangisi niyang sagot sa akin. Napatanga ako. Ganun ba ako katulala at hindi ko man lang napansin ang pag-alis ni Dylan. Umiwas na lang ako ng tingin sa kanya. Ano na naman kayang tumatakbo sa utak nito? Nagulat ako nang biglang dumikit sa akin si Theo at bumulong. "Wanna come with me?" Napalayo ako at napabusangot. Trip na naman ako nitong lalakeng 'to. "Sa CR." Husky niyang bulong sa tenga ko. Bastos! Masama ko siyang tinignan.  "Pervert! Leave me alone." Sigaw ko sa kaniya habang hinahampas siya ng bag ko. "Ouch!" daing ni Theo habang pinangsasangga ang dalawang braso niya sa mga hampas ko. "Ehem! Good Morning." Sabi ni Professor Dantes na kanina pa pala kami pinapanood.  Kanina pa pala sila nakatingin sa amin. Nakakahiya. Sa mga oras na ito, hinihiling ko na sana lamunin ako ng lupa.  Hindi lang pala antipako at mayabang si Theo. Pervert din ito. Pero wait, tinatanong niya ako kanina kung okay lang daw ako? Kailan pa nagkaroon sa akin ng pakialam 'to? The last time I remembered binangga lang ako nito at hindi ako tinulungan makatayo. Imposible. Napailing na lang ako dahil sa walang kuwentang bumabagabag sa isip ko. "Since 4th year college na kayo pinagbibigyan namin kayo this time, especially girls." sabi ni Professor na nakakuha ng atensiyon ko. "Magkakaroon tayo ng cheering squad. Only 4th years will join but its limited. Only 40 members is needed. So who wants to join? I will take only 10 members in this class." pag-i-explain ni Professor. Cheering Squad? Well, marunong naman ako but that was when I was ten years old because I got an accidcent when I was 15. I accidentally fell sa stairs ng condo dahil sa pagmamadali. Nagmamadali ako that time kaya naaksidente ako at nabalian ng braso so there's no other choice but to quit. At ngayon hindi ko alam kung may kakayahan pa ako. "Gusto ko sana kaso---Aray!" Napatigil ako sa pagbulong nang bigla na lang ako kurutin ni Theo sa braso kaya napataas ko yung braso ko para tignan 'yong parte na kinurutan niya. "10! Great! 10 members. For the ten that will join, go to the faculty later so we can discuss all about it. Tomorrow is the audition for the members who is going to be the official member of Blackwell Cheering Squad." Napanganga na lang ako. "W-what?" Hindi makapaniwalang sabi ko. "Nice! Gusto mo pala ng cheering?" Sabi ni Theo na ngayon nakangisi sa akin. Damn you, Theo. Binigyan ko siya ng isang nakakamatay na death glare. Umakto naman siyang parang mamatay na at sumandal sa upuan niya saka ako nginisian. God, what is wrong with this man? "Okay! Next! First activity is music video." sabi ni Professor na ikina-nganga ko na naman. Wala pa ngang discussion may activity na agad tapos music video pa. Ni hindi ko pa nga na-try kumanta. All I do is listen a music but I never sing. May mga iniidolo ako pero hindi ko kinakanta mga kanta nila. Basta sinasayaw ko lang at inaalam 'yong mga member. "So get a partner. Boy and girl only." sabi ni Professor at lumabas muna ng room. Si Dylan na lang partner ko. Lumingon-lingon ako para tignan kung nandito na si Dylan. Gusto kong maiyak nang malamang hindi pa rin siya nakakabalik. Tumingin ako sa katabi kong nakangisi. Unti na lang talaga maniniwala na talaga akong bipolar 'tong si Theo. "Miss Vasquez, don't have a partner yet?" Wala akong maisagot kaya napayuko na lang ako. "Okay. I-partner mo na si Mr. Theo." Agad akong napa-angat ng tingin dahil sa sinabi ni Professor. "W-what?!" Napatayo pa ako at nahampas ko pa ang desk ko kaya ngayon center of attention na naman ako ngayon.  "Oo nga pala, hindi ka puwedeng maging partner ni MIss Vasquez. Why are you here, Mr. Valerious? Naikwento kasi sakin ni---" "Sasagutin ko pa ba talaga 'yang walang kuwenta mong tanong?"Bored na sabi ni Theo. Napatanga naman si Professor sa sinabi ni Theo. Wala talagang galang ang hudas na 'to. "Sir, I'm sorry. I'm late." sabi ni Dylan na kakadating lang. Bumalik na si Theo sa upuan niya at umupo na si Dylan sa tabi ko. "Mr. Dylan, i-partner mo na si Ms.Vasquez." sabi ni Professor na talaga namang ikinatuwa ko. Yes! Atleast, kapartner ko ang pinaka- close kong classmate. "Okay! Deadline is third week of this month so you have two weeks and two days." Announce ni Professor. "Ayos. Partner tayo. Ayoko rin naman mapartner sa hindi ko kilala." Nakangiting sabi ni Dylan sa akin at nakipag-fistbump. NAGLALAKAD kami papuntang gate. "So, start na tayo bukas?" Tanong ni Dylan. Uwian na at kasabay ko palabas si Dylan ng academy. "Ay! Huwag na lang pala! May audition ka pala bukas." Biglang sabi ni Dylan na ikinataka ko. "Huh? Paano mo nalaman? Wala ka naman kanina nung in-announce 'yon." Nagdududa kong tanong. "Uh, narinig ko lang sa mga classmates natin." aniya at umiiwas ng tingin. "Okay,ouch!" Daing ko nang mabunggo ako sa isang tao. Sino na naman 'tong nabunggo ko sa akin? Hindi man lang umiiwas. "Tch! Hindi ka kasi tumitingin sa daan." Sabi ni Theo na nakangisi, umiwas siya ng tingin pero kita kong nag-smirk siya. Talaga naman kumulo ang dugo sa nakita ko. Sinusubukan mo talaga ako, Theodore Valerious.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD