Theo's POV Nadito ako ngayon sa rooftop. Mag-aalas dos na ng umaga. Hindi ko alam kung bakit naisipan kong magtambay dito. Nakatanaw lang ako dito sa itaas. Tahimik lang ang paligid at tanging simoy lang ng malamig na hangin ang maririnig. Napalingon ako nang marinig kong bumukas ang pintuan at pumasok si Dylan. "Bakit nakatambay ka dito?" tanong niya at lumapit sa pwesto ko. "Ewan ko." Walang lakas kong sabi. "Kailan mo sasabihin sa kaniya ang tunay mong pagkatao?" tanong ni Dylan. Napaisip ako sa sinabi ni Dylan. Hindi ko alam kung kailan ko sasabihin sa kaniya. Natatakot ako. "Hindi ko alam. Hindi ko kayang sabihin sa kaniya." "Kailan mo naman sasabihin sa kaniya? Kapag 'yong sa iba niya pa malalaman. Hindi mo ba iniisip na mas maaari siyang matakot at masaktan ulit? Matakot pa

