Chapter 1: Graduation Party

1341 Words
Annie's POV "Congratulations, Pretty Bes!" sabay yakap sa akin nang aking bestfriend na si Thalia. "Thank you, Pretty Bes! Congrats din!" I hugged her back at nagbeso beso kami. Kakatapos lang ng graduation namin. Sa wakas, nakatapos na rin kami parehas ng highschool. Ang saya saya! Nandito kami ngayon sa labas ng building namin. "Grabe lang. Hindi ko akalain na makakagraduate tayo," sabi niya nang natatawa. "Hindi ka naman makakapasa sa mga tests kung hindi mo ako katabi eh," Pang-asar ko sa kanya. "Grabe ka naman. Atleast naman nililibre kita halos araw-araw. So, quits lang tayo!" "Whatever! Paano naman kasi hindi pa sapat ung ipon ko para sa dream car ko no! Kaya kuripot ako ngayon. Haha." Gustong gusto ko na talaga mabili ung dream car ko na 'yon. Nakita ko lang sa internet yun eh, Aston Martin One-77, i badly want you! Sarap siguro sumakay dun. Hayy. Kailan kaya kita mabibili? "Huy! Are you listening to me?" Epal naman oh. Nagdedaydream pa ako na nakasakay ako dun eh tapos nagpipicture pa ako na parang model eh. "Ha? Ano ulit sabi mo?" Wala akong narinig sa mga sinasabi niya kanina pa dahil sa pagdedaydream ko. "Hay nako! Nagdedaydream ka na naman noh? Bakit kasi hindi mo na lang sabihin sa mommy and daddy mo na gusto mo nun? Tutal kaya naman nila bilhin 'yon," mataray na sigaw niya sa'kin. "Eh para namang ibibili ako nun noh. Pati hindi pa ako marunong mag-drive. And gusto ko sariling pera ko ang gagamitin ko pambili." Lahat na ginawa ko para makaipon para sa dream car ko na 'yon. Hindi ako gumagala. Minsan lang ako kumain. Lagi ako nagpapalibre kay Thalia. Kapag aalis kami, lagi niyang libre kahit pamasahe ko. Hihi. Ang kuripot ko noh? "Sabagay. Ede magdriving lesson ka. Problema ba yon? Tss." sabay irap niya. "May bayad din dun noh. Huwag na lang. Tama na nga muna 'to. Ano ba ung sinasabi mo kanina?" Kanina pa kami usap ng usap dito eh, nangangawit na ako sa high heels ko. "O'nga pala noh. Ikaw kasi eh. Punta tayo sa amin ngayon, may party kami eh." "Ahh. Ganun? Sige! Let's go!" mukhang mas excited pa ako sa kanya eh. Paano nagugutom na ako and ang init kaya ng suot namin. "Tara! Teka, tawagan ko lang si Kuya Driver ko." Tinawagan na ni Thalia si kuya driver then after 5 minutes, huminto ung Audi A5 na gift ng parents niya sa kanya. Binigay sa kanya 'yun kahapon lang pero hindi marunong magdrive 'to kaya may driver siya. Pinagbuksan pa kami nung driver at nauna siya sa akin sumakay. After 40 minutes, nakarating na kami sa bahay nila. Bumaba na kami ng sasakyan at sinalubong kami ng mga guards and maids doon. "Good Evening, Ma'am Nathalia and Ma'am Annabeth, Congratulations po sa inyong dalawa," Bati nung mga guards and maids sa amin parehas. Kilala na rin ako dito kasi halos araw-araw na ako dito. "Good Evening din po sa inyo. Thank you po," Bati naming dalawa.  Pumasok na kami ni Thalia sa loob ng bahay. Kabisado ko na rin 'to. May sariling kwarto nga rin ako dito. Oha! Para kasing kapatid ang turingan namin parehas kaya parang anak na rin ang turing sa akin nila Tito Daniel and Tita Kath, parents ni Thalia. Ang daming tao grabe. Lahat ng kamag-anak nila nandito rin eh at kilala rin nila ako. Puro pagbati ng congratulations ang bumungad samin pagkapasok na pagkapasok namin. Isa isa din namin silang pinasalamatan. Sunod ay pumunta muna kami sa kwarto ni Thalia para magpalit ng damit. "Kain muna tayo. Gutom na gutom na ako eh," sabi ko sa kanya dahil naramdaman kong kumulo na ang tiyan ko. "Sige, nagugutom na rin ako eh."  Yes! Food, here I come. Nang makakuha na kami ng pagkain ay nilibot namin ang paningin para maghanap ng mauupuan. "Hey, Thalia and Annie! Here! Dito na lang kayo kumain sa table namin. May extra pa naman na two seats." Pinsan ni Thalia na si Ate Athena ang tumawag samin. Kasama niya sa table si Kuya Apollo, fiancee niya. Lumapit kami sa table nila at saka umupo sa vacant seats. "Hello, Ate Athena!" bati ko sa kanya "Yo! Congrats ulit sa inyong dalawa," bati ni Ate Athena samin. "Congrats sa inyo," sabi naman ni Kuya Apollo sa'min. Nagpasalamat kami ni Thalia sa kanila na malaki ang ngiti. "So, kamusta naman kayo?" tanong samin ni Ate Athena. "Ayos naman, Ate. Syempre masaya!" sagot ko na malaki ang ngiti. "Ano nga palang course ang kukunin ninyo?" tanong naman ni Kuya Apollo. "Parehas kami ni Annie, business management din akin," sagot naman ni Thalia. "I see. Talagang hindi na maghihiwalay ha. Saan naman kayo mag-aaral?" tanong ulit ni Ate Athena. "Hindi pa namin alam pero kami ng bahala don, Ate," sagot ulit ni Thalia. Anong sinasabi netong bahala na kami? Ano na naman nasa isip neto ha? "Ahh. Goodluck sa inyo ah. Pero wait! Ang lovelife naman? May new suitor ba? Gwapo ba? Mabait? Ano na? Bilis!" sunod sunod na excited  na tanong ni Ate Athena. Natawa na lang ako dahil sa kanya. "Wala pa, Ate!" sabay naming sagot ni Thalia kaya nagkatinginan kami at natawa sa isa't-isa. "Ay, sayang naman. Sa ganda niyong 'yan, wala pa?" dismayang sagot ni Ate Athena. Nang madako ang tingin ko kay Kuya Apollo, tumingin siya sa relos niya kaya pumasok sa isip ko na baka kailangan na nilang umalis. "Uhm...Annie, Thalia, mauuna na kami ni Ate Athena niyo ha? May pupuntahan pa kami bukas. Congrats ulit! Mag-aral ng mabuti sa college ah? By the way, yung gift namin parehas nasa table na ng mga gifts. Sana magustuhan ninyo," nakangiting sabi ni Kuya Apollo sa amin. "O'nga pala. Sige,  Annie at Thalia, we'll go na ah? Text niyo ako kapag may new suitor ha!" kilig na sabi ni Ate Athena samin. "Thank you, Ate Athena at Kuya Apollo. Bye bye! Salamt sa pagpunta," sabi ko nang tumayo na sila parehas. Yumakap muna si Ate Athena sa'ming dalawa habang si Kuya Apollo naman ay tinanguhan lang kami. Maya maya lang din ay unti unti nang umalis ang mga bisita namin.  "Mga anak. Mauuna na din kami. Congrats ulit sa inyo at ikamusta niyo na lang ako sa mga magulang niyo," sabi ng huling bisita namin para magpa-alam. Pagkakatanda ko, isa siya sa mga distant relative ni Thalia. Nalungkot lang ako bigla dahil nabanggit niya ung magulang namin parehas. Sana nandito din sila kaso sinabihan na nila kami ni Thalia kahapon na hindi sila makakauwi. Babawi na lang daw sila pag nakauwi na sila dito sa Pilipinas. "Sige po, Tita. Thank you po sa pagpunta," sagot lang ni Thalia sa kanya at umalis na din sila. Sinara ng isa sa mga katulong ang pinto nang makalabas na sila.  Napabuntong hininga kami ng sabay ni Thalia pagkatapos. Ngayon ko lang naramdaman kung gaano nakakapagod pala ang graduation at pag-entertain sa mga bisita pagkatapos. Nagpaalam na kami sa mga kasama naming kasambahay sa bahay at umakyat na sa kwarto ni Thalia. "Hay. Salamat naman at nakahiga na rin," sabi ko sabay higa sa kama na sobrang lambot. "Kapagod grabe," sagot ng bestfriend ko saka nahiga rin siya sa kama katabi ko. Tinungkod ko ang isa kong kamay at tumingin sa kanya nang may maalala ako. "Oo nga pala, ano ung sinasabi mo kanina na tayo ng bahala kung saan tayo mag-aaral? May alam ka na school na papasukan natin?" tanong ko sa kanya.  "Ahh. Yun ba? Tayo nga bahala do'n," sagot niya habang nakapikit ang mga mata niya. "Pa'no? Ha? Ha?" makulit na tanong ko. Bakit parang hindi maganda kutob ko sa naiisip neto? "Basta! Bukas ko sabihin sayo. Inaantok na ako, 12:30am na oh. Tsupi na, lipat ka na sa kwarto mo. Goodnight," pagtataboy nito sa akin habang nakapikit pa din ang mga mata niya. Hindi pa nagbibihis ng pampatulog 'to ah. Bahala na nga siya. Alam kong pagod na din 'to para magpalit pa ng damit. "Basta bukas ha. Inaantok na rin ako eh. Night night!" mabilis kong sabi saka tumayo na saka pinatay ung ilaw at lumipat sa kwarto ko. Pagkarating ko sa kwarto, parang nanlambot bigla ang katawan ko sa pagod. Hindi ko na din nagawang magbihis. Humiga na agad ako sa kama at pinikit ang mga mata ko. Feeling ko kailangan ko ng maraming lakas para bukas dahil sa naiisip ni Thalia? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD