NAKATANAW ako kay Amelia habang paalis siya. Kanina ko pa gustong magwala sa galit dahil sa sinabi niya. Ayoko lang ipakita sa kanya dahil ayokong isipin niyang naniniwala ako sa kanya. "f**k!" napamura ako sa inis. "Butler Ben!" sigaw ko. Agad namang lumapit sa akin ang butler ko. Yumuko siya. "Bakit, Master Jacob." "Dumating na ba ang asawa ko?" inis kong tanong. "Hindi pa rin siya dumarating." "Tawagan mo ako kung dumating siya. May kailangan akong tapusin na trabaho." "Yes, Master Jacob." Pagbaba ko sa kotse ay sinalubong ako ng dalawang security guard hanggang sa makapasok ako sa loob ng kumpanya. Napansin kong iniiwasan ako ng mga empleyado na madadaanan ko lalo ng sumakay ako sa elevator. "Good afternoon, Sir Jacob."Yumuko ang secretary ko ng salubungin niya ako. Seryoso