Achilles' P.O.V.)
"One, Two, Three, Four. Four?!"
Napa hawak ako sa noo nang matapos bilangin ang mga pipirmahang mga papeles. Apat pa na folder ang kaylangan kong pang pirmahan. ‘I need to finish this as soon as posible!' napa tingin ako sa relong nasa palapulsuhan. And its already Eight-pm in the evening. Hindi na ako uuwi sa bahay. Kaylangan matapos na ito ngayong gabi.
Napa tingin ako sa pinto ng may kumatok. Alam kong ito na yung inorder kong pagkain kanina.
"Come in."
Mabilis na sagot ko. Pero nasa mga papeles parin ang atensyon ko.
"Sir Aki. Ito na po yung pinapabili n'yo."
Bit-bit ng Security ang isang brown paper bag na may lamang mga pack lunch.
"Thanks Domeng. Paki lagay nalang sa mesa."
Utos ko dito habang patuloy na pinipirmahan ang mga papeles.
Inilapag nito sa mini dining na narito sa loob ng opisina ko.
"Sige po Sir Aki. Lalabas na ako."
Tinanguan ko lang ito ng papalabas ng pinto.
Mabuti nalang at pinadisenyo ko ang opisina na ito na para bang nasa bahay lang. May maliit na kwarto ito at may kusina na din. Dahil sa sobrang hectic ng schedule ko. Halos dito na ako tumira sa opisina. Ramdam ko na ang pag kalam ng sikmura ko kaya tumayo na muna ako, mula sa working table at pumunta na sa dining.
Kinuha ko lang mula sa loob ng paper bag ang pagkain. At agad nilantakan ang paborito kong kare-kare. Nang matapos akong kumain ay agad ko din binalikan ang naiwang trabaho. Pinag patuloy ko na ang pag pirma sa mga papeles. Kung bakit kasi pinag sabay-sabay pa itong ibigay sakin. Minsan parang nakakasuko na pagiging Ceo ng kumpanya na pinamana ni Dad.
Nang matapos ako sa dalawang folder ay inumpisahan ko na din ang pangatlong folder. Medyo nagkaka paltos na ang daliri ko, sa pag hawak ng ballpen. Pero diko alintana ito ang mahalaga matapos ko ng mapirmahan ang lahat ng ito.
Naririnig ko ang pag ring ng cellphone ko pero hindi ko ito pinapansin. Kanina pa ito ring ng ring pero wala akong panahon para sagutin ito. Ayokong naiistorbo kapag busy ako.. hinayaan ko lang ito vibrate ng vibrate sa drawer.
Muli akong napa tingin sa relo. Nine Thirty pm na. Napa unat ako sa mga braso ko at mga daliri dahil natapos ko na ding pirmahan ang mga naka tambak na papeles.
Muli nanamang tumunog ang cellphone ko. And this time kinuha ko ito at nakita ko sa screen na ang investigator ko pala.
"Yes Damian!? Okay good. Bantayan mo lang, at sundan mo lagi!" may gigil akong naramdaman sa taong sumisira sa pamilya ko. Kaylangan niyang pagbayaran ang bawat hinanakit at pag-luha ni Mommy.
Binaba ko na ang tawag dito at napa hugot ako ng hangin.
I was about to stand when my phone rang again. And its Kyron.
"Yes, what do you need?"
"Ako to si Raffa. And where the hell are you now?"
Napa sapo ako sa noo ng maalala ang bilin nito kahapon.
"Here at my office."
"Com'on Dude! kanina ka pa namin tinatawagan"
may pag-ka irita ang boses nito.
"Im sorry. Nalimutan ko dahil sa dami ng tinapos ko na trabaho."
Pag-hingi ko ng dispensa.
"This is not about what Im talking yesterday. Okay lang kahit hindi ka sumipot, pero may kaylangan kang malaman."
"Kaylangang malaman?"
Kunot-noo kong turan.
"Bilisan mo na. Dito na natin pag usapan-"
"Hello?"
Biglang pinutol nito ang tawag.
Naku. Kung di ko lang alam ang mga style nito, naiiling nalang ako. Mabilis kong tinungo ang kotse na nakaparada sa parking lot. Pag-karating ko, agad kong binuhay ang makina at pinasibat.
Nang marating ko ang bahay nila Raffa. Around Quezon city.
Ay agad kong nakita ang mga ito sa may garden. Naka upo ang mga ito sa garden bench na may round table sa gitna.
"Dude!"
Tawag ko sa kanila ng makalapit ako. Tahimik akong umupo sa tabi ni Kyron. Habang ang mga ito ay may kanya-kanyang direction ang mga tingin. Si kyron, naka titig sa basong hawak na may alak.
Si Janos, naman sa bote ng alak na nasa mesa habang magka salop ang mga kamay.
Si Raffa, naman ay sa'kin naka tingin.
Kumunot ang noo ko ng mapansin
ang mga tinuran nilang Tatlo.
"What's happening to you Guys?"
Inabot ko ang baso sa mesa at nag salin ng alak tsaka sumimsim.
"Kyron!"
sabay na tawag ni Raffa at Janos dito.
"Oh?! Teka, Bakit ako?"
Kunot noo nitong tugon. Pinadilatan naman ito ng mata ni Raffa. Biglang inilihis naman ni Janos ang mga tingin sa dalawa.
"Sandali nga! Deretsohin nyo nga ako! Ano bang nangyayari sa inyo. Tsaka kung may sasabihin kayo sakin, sabihin n'yo na! Hindi yung, para kayong mga tang-"
"Fine! Fine! Ito na. sasabihin ko na."
Nag-kamot pa ito ng ulo, at tinunga ang natitirang alak sa baso. At pag katapos inilapag nito ang baso sa mesa na nasa harap namin.
"I was about to tell you this, but."
Natigilan ito habang naka-titig sa sa'kin.
"But what? Com'on! tell me Kyron!" naguguluhan kong turan.
"Ce-ceelyn is already married to my c-cousin Jerome!"
Nauutal na tugon nito. Nagsalubong ang kilay ko sa mga salitang nag mula sa kanya.
"Ceelyn is what? Are you kidding me?!"
"No! Its been a week since they married."
kwinelyohan ko ito. At pinandilatan ng mga mata at halos puputok na ang mga ugat ko sa leeg.
"Bakit hindi mo s'ya tanungin?! Aki. Concern kami sayo kaya namin ito sinasabi!?"
Kunot-noo nitong tugon.
"Relax Dude!"
Inawat ako ni Raffa at Janos. At humahangos ako ng bitawan ang kwelyo ni Kyron.
"Relax?? F*ck! hindi mo alam ang sinasabi mo!"
Tumayo ako at iniwan ang mga ito. Mabilis kong pinaandar ang kotse at pinatakbo ng mabilis.
'I don't believe them! Hindi magagawa sa'kin ni Ceelyn 'yon! Nag-usap pa kami last week!'
Binagalan ko ang pag-patakbo ng kotse at inabot ang Cellphone.
Kaylangang maka-usap ko s'ya ngayon.
"Babe, Please answer my Call!"
Ring lang ito ng ring. Pero hindi ko ito tinigilan hangang sa may sumagot.
"Hello? Who's this?-"
Natigilan ako ng Lalaki ang nasa kabilang linya.
"Hon? Sino yan?"
Biglang tumulo ang mga luha ko ng marinig ang boses ni Ceelyn
"I don't know, hindi sumasagot eh,"
I cut off the call. While my tears flowed. I can't believe that she can do this to me!
Mas binilisan ko pa ang pag patakbo ng kotse. Hindi ko alam kung saan ako patungo. Ang gusto ko lang ang makalayo.
****
"Good evening Sir"
Masayang bati sa'kin ng isang Babae sa Counter. Abot tenga ang ngiti nito.
"Do you have a VIP room here?"
Walang emosyon kong linataya.
"Yes Sir! Fresh na fresh. bagong gawa lamang. At dahil bwena mano kayo, may Ten percent discount po kayo."
Maligalig na tugon nito.
"Okay. I need it right now."
"Yes Sir! Right away."
Palingo-lingon ito tila may hinahanap.
"Carol. Paki hatid si Sir sa room number two"
Utos nito sa isang waitress, if I'm not mistaken. Dahil ganito din yung suot nung Babaeng tinulungan ko.
Sumunod ako sa naturang waitress, sa Vip room. Halatang bagong gawa ito base sa amoy. Maliwanag ito dahil sa ilaw na florescent. Kaya pinalitan ko ito ng dim light.
Dinala ako ng mga paa ko sa lugar na ito. I don't know but I found silence in my mind here. Napalingon ako ng biglang tumunog ang intercom
"Yes?"
"Sir, itatanong ko lang po kung gusto n'yo ba ng special offer? "
"No thank you. Just give me the most expensive a bottle of whiskey."
In off ko na ito pag-katapos. Wala pang ilang minuto. Biglang bumukas ang pinto. Ngunit nanatiling nasa mesa lamang ang tingin ko. Nasa-isip ko parin ang nalaman tungkol sa pan-lolokong ginawa ni Ceelyn.
I don't have an idea kung bakit nagawa niya sa'kin ang bagay na yun. Pinag-muka n'ya akong tanga! Ganun- ganun nalang ba sa kanya na itapon ang pinagsamahan namin? Five years! Na buong akala ko, na mahal n'ya ako.
"Sir, nandito na po ang order nyo."
Mahinang pag kakasabi ng isang Babaeng Waitress.
Natigilan ako, habang nilalapag nito ang tray na may lamang bote ng whiskey. I removed my shades.
Napa titig naman ito sakin. Sa ngayon ay mas maayos ko na itong nakikita ang kabuuan ng mukha nito. Her beautiful round eyes at matangos na ilong. I can say, she's have a perfect shape of face. Siya yung babaeng muntik sampalin ng lasing.
"Hi. Are you okay?"
Tinanong ko na ito dahil naka titig parin ito hangang ngayon.
"Y-yes Sir."
Nauutal na tugon nito.
"K-kung may kaylangan po kayo. Tumawag lang po kayo sa intercom. Excuse me." dugtong n'ya Bago umalis sa harapan ko.
"Wai--" hindi ko na tinuloy ang pag-pigil dito. Gusto ko sana itong makausap habang umiinom. pero naalala ko yung pag sampal niya sa lasing.. baka isipin nito na binabastos siya kaya sinundan ko lang ito ng tingin na nag mamadaling humakbang palabas ng pinto.
This is the third time I have seen her. Pero tanging mga mata lamang nito ang umaagaw ng atensyon ko. And I can't explained it.
Mabilis kong nabuksan ang bote ng whiskey. Agad kong, sinalinan ang wine glass at halos mangalahati ang nailagay ko. Mabilis ko itong tinungga. Ramdam ko pa ang pag guhit sa lalamunan ko dahil sa tapang nito.
Muli kong sinalinan ang wine glass. Pero ito, ni hindi ko pa ramdam ang pamamanhid ng katawan ko. Gusto kong magpakalunod sa alak, upang mawala ang galit sa dib-dib ko. But f*ck! Ang hirap kapag mataas ang alcohol tolernace. Kahit maubos ko pa itong isang boteng whiskey, ay di ako tatablan.
Bumalik ang isip ko kay Ceelyn, matapos kong ibigay ang lahat ng gusto niya, at matapos niyang makuha ang lahat, ay iiwan niya lang ako sa ere. So totoo nga ang sinabi ni Mommy na gagamitin niya lang ako! Hindi ko pinaniwalaan si Mommy noon dahil mahal ko siya.. pero ano to?! Ang gag* ko! Nag-paloko ako sa walang kwentang babae!
Nakaka pitong shot na ako. Ng tumunog ang Cellphone ko.
Kinuha ko ito mula sa bulsa at hindi na tiningnan ang screen.
"Hello?"
Mahinahon kong tugon.
"Sir Aki. Si Senyora dinala po namin sa Hospita!"
Umiiyak na lintaya ni Manang Ason.
"What happen to her?! Sige papunta na ako."
Mabilis kong tinungo ang kotse sa labas nitong Club.
Wala pang isang oras ay narating ko na ang Hospital na pagmamay-ari nila Raffa.
"Sir Aki..."
Umiiyak ng maabutan ko itong si manang Ason.
"Manang. kamusta si Mommy? Ano ba ang nangyari?!"
Halos maiyak ako ng itanong ito.
"Sir Aki. Kasi po kanina nag-tatalo nanaman sila ni Sir Arturo. Bigla nalang po nahimatay si Senyora." Naluluhang tugon ni Manang. Kinuyom ko ang mga kamao sa inis na naramdaman.
"Where's Dad?!"
Nag-tangis ang mga panga ko ng malaman na si Dad nanaman ang dahilan. Napatitig naman si manang Ason sa may likuran ko. Kaya agad ko naman itong sunundan ng tingin.
"Why? Ako nanaman ang sisisihin mo?"
Sarkastikong tugon nito sa'kin.
"Bakit? Sino pa ba ang sisihin ko? Alam mo, hindi ko nga alam kay Mommy, kung bakit hindi ka pa n'ya magawang iwan! Wala ka namang ginawang maganda sakanya! Puro nalang hinanakit ang natatamo niya mula sayo!"
Tumabingi ang mukha ko, ng suntukin ako nito. Matalim ko itong tinitigan sa mga mata, habang pinupunasan ang dugo sa labi.
"Sino ka, para pag salitaan ako ng ganyan! Ha!? Wala kang alam sa amin! Kaya wag kang umasta na parang alam mo ang lahat!"
Pinandilatan ako ng mata nito at dinuro-duro bago umalis sa harap ko.
All this time, lagi nalang umiiyak si Mom, Nag-lalasing, para lang makalimot sa mga problema n'ya kay Dad. Na wala ng ibang ginawa kundi magliwaliw at mang Babae.
Halos hindi na ito umuuwi sa bahay. Kaya lalo akong naawa kay Mommy.
Pumasok na ako sa kwarto ni Mom, naka-hilata ito sa single bed. At may naka-kabit na dextrose sa kamay.
Pikit parin ang mga mata nito ng maka-lapit ako.
Ilang sandali pa ay biglang tumunog ang Cellphone ko. Hindi ko na tiningnan ang screen at agad na sinagot ito.
"Hello?"
Agad kong na bosesan ang nasa kabilang linya.
"Sir. Nandito po ang Daddy n'yo sa isang Club. Ipapasa ko po sa inyo ang picture."
Binaba ko na ang cellphone at tiningnan ang mga litratong pinadala sa'kin.
Nag-tangis ang mga panga ko sa nakita. Kayakap nito ang Babae na hapit na hapit ang damit sa katawan.
Walang hiya! Nandito ang asawa niya sa hospital, pero siya nagliliwali! Paano niya naaatim ang lahat ng ito?!
"Hello Damian! Ano pangalan ng babae?"
"Hindi ko pa alam Sir. Puro alyas lang ang binibigay nila, pero sa pagkakarinig ko kanina, aalis na ang babae sa club na ito, "
"Anong club 'yan?"
"Club Amorens.. sa may Cubao. Dinadayo ito ngayon ng mga Business tycoon at iba pang mga kilalang mga tao."
What? Nakakatawa. Lugar kung saan ako nangaling kanina."
"Sige.. bantayan mo lang si Dad.. at sa susunod na may iba nanaman siyang babae, hanapin mo ang tinitirhan. At ako na ang bahalang papatay sa babae niya!"