Ang pahinang ito ay may mga sensitibong mga salita, at s****l, na hindi kaaya-aya. Read at your own risk. "Bitawan n'yo ako! Parang awa n'yo na! Hindi ako pwedeng sumama sa inyo!" pilit akong nag pupumiglas, habang hawak nila ako sa mag-kabilaang braso. "Mang, Andoy! Tulungan niyo ako!" hinging saklolo ko, nang makita ko sa labas si Mang, Andoy. Namulagat ang mga mata nito nang makita ako, "Ma'am Leighyana?! Hoy! Bitawan n'yo siy-" Ngunit hindi niya natapos ang sasabihin nang tutukan siya ng baril ng isa sa mga Lalaking kumuha sa'kin, "Hangaang diyan ka lang! Kung ayaw mong pasabugin 'yang bungo mo!" Wala na siyang nagawa nang tuluyan na nila akong maisakay sa kulay itim na Van. "Saan n'yo ako dadalhin!?" nag-aalalang saad ko. "Ma'am, pasensya na po kayo, ginagawa lang po namin