Leighyana's P.O.V.) Napalingon ako sa pinto ng bumukas ito. Iniluwa nito ang Isang batang Babae. Ngumiti ito sakin dahilan ng pag ngiti ko. "Hi Ate." Masayang bati niya sa'kin. "Dito kaba naka tira?" Untag ko. "Opo-" Napalingon ito ng may tumawag na ginang. Bit-bit nito ang isang tray na may mga naka takip na mangkok. "Sabina! Nakung bata ka. Pag nakita ka ni Sir Aki malalagot tayo!" Panenermon nito sa Bata. "Eh Nay. Wala naman si Sir Aki." "Kahit na! Akin na nga yang susi! Paki alamera ka talaga." Inabot nito ang Susi sa batang si Sabina. Tiningnan ko lamang ang pag pasok niya sa susi sa loob ng bulsa "Ah, pasensya kana sadyang makulit lamang itong Apo ko. Sya nga pala kumain kana habang mainit pa iyang mga pag-kain. At kung may kaylangan ka. Tawagin mo lang ako