Walang mapag-sisidlan ang kasiyan sa puso ko, nang makitang masaya ang mga anak ko, kapiling ang kanilang Ama. "Hay naku.. mukhang hindi nanaman matutulog ang mga bata ngayon, tingnan mo? Mukhang hindi nauubusan ng lakas," lintaya ni Sasa habang nakatayo sa bungad ng kusina. Bihis na ito dahil papasok na sa coffee shop. "Anong magagawa natin, eh ngayon lang nila nakapiling ang isa't isa." wika ko habang nag-hahanda ng meryenda ng mag-aama. Isang lingo na ang nakakalipas mula nang makita nila ang isa't isa. Lumipat na din kami sa penthouse na pag-mamay-ari ng pamilya ni Aki. Hindi ko lubos maisip na sa tinagal tagal namin dito sa Z TOWER ay ang Tatay pala ng mga anak ko ang nag-mamay ari ng building na ito. At ang tadhana na muling nag-lalapit sa'min. "Mommy we're thirsty!" hiyaw ni