Leighyana's P.O.V) Bigla itong bumagsak sa kama, matapos ang pag-niniig namin. Mapait akong ngumiti at sya ding patak ng mga luha ko. Bumangon ako at nag mamadaling tumayo at nagpalit ng damit. Hinayaan ko lamang na magkalat ang nighties sa sahig habang sinusuot ang plain t-shirt at maong na pantalon. Matapos mag bihis ay hindi ko na napigilan ang pag hikbi habang pinagmamasdan siyang mahimbing na natutulog. "Patawad, Aki. Aalis ako, hindi dahil natatakot ako sa pwedeng mangyari sa'kin. Aalis ako dahil natatakot akong tuluyang mahulog sayo." Pinigilan kong mapahagulhol ngunit kusang itong lumalabas. Hindi ko alam ngunit parang winawarak ang puso ko sa gagawin ko. Isa-isa kong hinakbang ang mga paa patungo sa pinto, nang hindi tumitingin kay Aki. Hindi ko na ito nilingon hangang sa makal