Pumasok bilang Personal Assistant si Zia sa Cordova's Furniture Company. Sa hindi inaasahang pangyayari, hindi inaasahan ni Zia na mahuhulog siya sa patibong ng bilyonaryong si Wayne Cordova, may-ari ng kompanyang pinapasukan niya.
Paano kung sa isang iglap lang ay dahil sa pagmamahal niya sa binata ay manganganib ang buhay niya?
Simula nang makapasok si Zia Ramos, sa kompanya ng bilyonaryong binatang si Wayne Cordova ay bigla na lang nagbago ang lahat. Unang araw pa lang ng dalaga sa pagtatrabaho ay hindi inaasahan na gagawa ng kalokohan ang bago niyang Boss na si Mr. Cordova. Hindi siya nakapaghanda sa mga mapang-akit na kilos na agad naman siyang nanghina. Binuhay nito ang init sa katawan na hindi niya pa naramdaman noon. Akalain niyang mahuhulog siya sa mapanlokong lalaki. Unang araw pa lang ay doon na nagsabi sa kanya ang binata na attracted ito sa kanya. Kaya nga hindi naniniwala si Zia sa mga mabulaklaking bibig nito dahil alam niyang may gusto itong makuha. Noong una hindi siya naniniwala sa mga pinaramdam nito sa kanya. Natatakot siya na balang araw masasaktan siya. Alam niya sa sarili