01

2190 Words
Chapter 01 3rd Person's POV Charles Argen Sergio, 20 years old. Kilala ito bilang black sheep ng Sergio family dahil sa pagiging arogante, bad tempered at pagiging takaw nito sa gulo. Masyado din itong control freak at walang sinusunod nito na kahit na sino. Masyasong tamad at walang ng ginawa kung hindi pumunta sa bar at makipag-hang out sa mga kabarkada. "Sinong nagluto nito! Ayoko ng lasa!" bulyaw ni Charles bago tinabig iyon dahilan para magkabasag-basag ang mga plato sa sahig. Halos itaob nito ang lamesa dahil sa inis na nararamdaman. Tiningnan nito ang kakambal na si Charlie na ngayon ay palihim na natawa sa pintuan ng dining area. Lahat ng katulong at butler na nandoon nagdidilim ang mukhang nakatingin sa kanya habang puno iyon ng takot. Mabilis na lumabas si Charles sa dining area habang nakayukom ang mga kamao. Palihim ito naggitgit matapos makita ang mga mapanghusgang mga mata na nakatingin sa kaniya. Mas lalong binalot ng poot at pagkamuhi ang dibdib dahil doon. Nang makalabas siya sa mansyon tinungo nito ang sasakyan na maghahatid sa kaniya sa school Tiningnan ng bagong driver ang binata sa backseat. "Young master, gusto niyo po ba kumain? Bibilhan ko kayo ng makakain." tanong ng driver sa binata na kinatingin ni Charles. Napangiwi ang driver matapos makita ang pagdidilim ng anyo ng lalaki. "Sa tingin mo hindi kayang bumili ng sarili kong pagkain?" asik ni Charles bago tumingin sa labas ng bintana. "May alam akong karinderya. Hindi pa din ako kumakain. Baka gusto niyong sumabay," tanong ng driver na mas kinagusot ng mukha ng binata. "Sa tingin mo kakain ako sa isang karinderya at sasabay ako sa isang hamak na driver?" malamig na sambit ni Charles. Hindi umimik ang driver at nagpatuloy sa pagda-drive. "Kumain tayo pero ayoko sa madaming tao," ani ni Charles na kinaguhit ng ngiti sa labi ng driver. "Masusunod, young Master." "Bago ka lang ba na driver? Ngayon lang kita nakita," tanong ni Charles sa driver. "Yes young master, Esteban ang pangalan ko at kanina lang ang nagsimula ng duty ko bilang driver niyo," sagot ng matandang lalaki na nasa 40s. Tiningnan ni Charles ang matanda. Hindi ito nakatingin sa kaniya. Wala din kaba sa ekspresyon nito o inis dahil kasama siya nito. "Hindi na ako nagtataka kung bakit ganiyan pakikitungo mo sa akin," ani ng binata bago tumingin mula sa labas. Sa isip ng binata kung malalaman nito lahat at makakausap nito ang mga tauhan sa mansyon magbabago din ang pakikitungo nito sa kaniya. Dinala nga ng driver si Charles sa isang karinderya. Walang gaanong tao at talagang nagustuhan ni Charles ang pagkain. Sinabayan ito ng driver kumain pero mabilis lang din ito natapos at agad lumapit sa kotse. Matapos kumain si Charles magbabayad ito ng sinabihan na ng may-ari ng karinderya na binayaran na ito ng driver. Umalis na din doon ang binata at nilapitan ang driver na kasalukuyang sinusuri ang sasakyan. "May sira ba ang sasakyan?" tanong ni Charles. Binaba ng matanda ang hood ng kotse at tiningnan ang amo. "Mukhang may nagtanggal ng ilang piyesa ng sasakyan, young master. Mamaya baka ma-late ako ng sundo sa inyo dahil ipapa-ayos ko ito," ani ng driver an kinagusot ng mukha ng binata. Malakas ang kutob niya na si Charlie Argon Sergio na naman ang may pakana noon. Ito ang kakambal ni Charles na malaki ang pagkadisgusto sa kaniya. "Ayos lang. Sasabay na lang ako mamaya sa mga kabarkada ko. Kokontakin ko na lang kayo kapag pauwi na ako," ani ng binata bago sumakay ulit sa sasakyan na palihim na naggigitgit. Simula pagkabata hindi na sila magkasundo ng kakambal na si Charlie. Ito ang dahilan kung bakit iba ang tingin sa kaniya ng ama at mga katulong nila sa bahay. Mahilig ito magpanggap na mabait at gawin siyang masama sa paningin ng ibang tao. Ganoon din ito sa school kaya kahit mga dati niyang kaibigan nilalayuan na siya. Hanggang sa natuto na siyang panindigan iyon. Nawalan siya ng pakialam sa iniisip ng iba at natutong maginh makasarili. Nang makarating sila sa school. Pinagbuksan si Charles ng driver— bumaba na ang binata at hindi pinansin ang driver na binilinan siyang mag-ingat. Salubong ang kilay na pumasok ng gate si Charles at hindi pinansin ang mga babaeng halos humugis puso ang mga mata katitingin sa kaniya. "Pareng Serge!" sigaw ng isa sa mga kabarkada niya na hindi kalayuan sa direksyon niya. Tumakbo ito palapit at agad siyang inakbayan. Dahil likas itong clean freak tinabig niya paalis ang braso nito na kinatawa ng binata. "Tuloy ba tayo mamaya! Bar ulit!" hyper na sambit ni Anthony Reyes. "Nasaan si Timothy? Hindi mo yata kabuntot," bored na tanong ni Charles. "Oo nga noh. Baka na-late— tinanghali ng gising," tatawa-tawa na sagot ng lalaki. "Fuck!" mura ni Anthony na kinahinto nina Charles at Anthony sa paglalakad. May lumipad kasi na can ng softdrinks galing sa taas at tumama iyon sa ulo ni Anthony. "Sinong late! Kayong dalawa lang naman ang laging late! Taas na malapit na dumating ang teacher!" sigaw ni Timothy mula sa itaas. Anthony Reyes at Timothy Ferrer. Ito ang duo na tinaguriang trouble maker ng university. Hindi maganda ang image sa university, magulo at talagang sakit sa ulo ng mga teacher. Unexpectedly, nakasundo ito ni Charles. Hindi niya alam kung saan nagsimula at kailan siya natutong makipag-hang out sa mga ito— basta nangyari na lang na nagturingan na silang magkakapatid at mula second year hanggang sa lumipat siya ng school kasunod niya na ang dalawa. Ito iyong bond na hindi masira-sira ng kakambal niyang si Charlie kaya mas lalong naggigitgit si Charlie tuwing nakikita siya dahil sa idea na hindi makuha ni Charlie ang dalawang natitirang kaibigan niya. "Serge! Bilisan mo! Nag-bell na," ani ni Anthony na nasa hagdan na at hindi pa umaakyat dahil hinihintay siya. — Sa kalaliman ng gabi— sa gitna ng ingay ng kulog at malakas na ulan. Pawisan na napabangon si Savannah habang hawak ng dibdib nito. Napasabunot ito ng buhok matapos ma-realize na nasa pamilyar na kwarto siya at buhay siya. "Paano nangyari ito? Paano ako nabuhay?" tanong ni Savannah habang gulong-gulo na nakatingin sa malaking salamin na nasa gilid ng kama niya. Mula sa liwanag na gumuhit sa kalangitan. Nakita niya ang reflection niya sa salamin. "Paanong naging 18 years old ulit ako?" tanong ni Savannah bago hinawakan ang pisngi at tiningnan ang katawan niya. "Imposibleng maging panaginip lang iyon dahil masyado iyon detelyado para maging panaginip. Hindi na nagawang makatulog ni Savannah ng gabing iyon kaya mas maaga siyang pumunta sa dining area. Katulad ng inaasahan nandoon ang pamilya niya. Sabay-sabay ang mga ito na kumakain. Wala siyang imik na umupo sa upuan. Pinghanda siya ng mga katulong ng pagkain— tiningnan ni Savannah ang tatlong tao na nakaupo sa harapan ng lamesa. Hinawakan ni Savannah ng mahigpit ang mga kubyertos at nagsimula na din kumain. Nagtatawanan ang tatlo at hindi na lang sila pinansin ni Savannah. Sanay na siya dahil noong nakaraam na buhay niya ganoon din ito lalo na at hindi iyon nakakapagtaka dahil hindi naman talaga siya parte ng pamilya. Huli na ng nalaman ito ni Savannah. Nagawa na siyang sapilitan ibenta ng tinuring niyang pamilya sa mga Sergio. Tahimik si Savannah hanggang sa matapos ito kumain at umalis doon. Ginala niya ang paningin sa paligid hanggang sa makarating siya sa garden. "Manong Ruben! Mag-iingat naman kayo!" Hindi nakagalaw si Savannah matapos makita na pati iyon ay pamilyar sa kaniya. "Manang," ani ni Savannah na kinatingin ng mayordoma. Lumapit agad ito sa dalaga at bahagyang yumuko. "Young lady, anong maipaglilingkod ko sa inyo?" "Anong year ngayon?" tanong ni Savannah na kinatakha ng mayordoma. "February 21,2017— may problema ba young lady?" tanong ng matanda. Napatakip ng bibig si Savannah matapos makumpirma na bumalik nga ito sa nakaraan. Savannah Meneses's POV Bumalik ako sa sariling kwarto ko at ni-locked iyon. Napaupo ako sa ibaba ng kama habang iniisip kung anong nangyari. "Paanong bumalik ako sa nakaraan?" tanong ko sa sarili bago niyakap ang mga tuhod at sinabunutan ang sarili ko. "February 21, 2017. Ibig sabihin isang taom mula ngayon darating ang ang taong dapat pakakasalan ko galing sa angkan ng mga Sergio." "Hindi! Hindi ako papayag! Hindi ako magpapakasal!" sigaw ko bago sinabunutan ang sarili ko matapos maalala lahat ng kawalanghiyaan na ginawa ng taong iyon sa sa akin. Yakap ang katawan ko habang nag-iisip ng maari kong gawin para hindi ako maikasal sa hayop na iyon. Pinikit ko ng madiin ang mga mata ko hanggang sa may maalala ako. Flashback "Manong, sino itong lalaki na nasa litrato?" tanong ko kaya manong na gardener. Sa lahat ng tauhan na nasa mansyon ng mga Sergio. Ito lang ang nagtrato sa akin ng tama. Palihim din ako na dinadalhan nito ng pagkain kapag pinagbabawal ng asawa ko na pakainin ako. Nakatingin lang ako sa malaking portrait habang nakatingin sa binatilyo na may mailap na mga mata. Hindi ko maalis ang tingin ko sa lalaking iyon dahil may something sa lalaking iyon na nakaagaw ng pansin ko. "Kapatid iyan ni Master. Napakabuti ng batang iyan kahit pa masama ang tingin sa kaniya ng lahat ng tao dito sa mansyon. Nakakalungkot lang dahil maagang nawala si young master dahil napagtripan ito sa kalsada." "Bata? Ilang taon siya manong?" tanong ko. Hindi maganda ang ekspresyon ng lalaking sa nasa portrait pero may something sa lalaki na nakaagaw ng interes ko. Pamilyar din sa akin ang lalaki dahil minsan itong kinabaliwan ng kapatid kong si Selena. Una pa lang alam niya na mabait ito kahit masama ang tabas ng dila ng lalaking ito. Ngayong naalala ko. Minsan na siya nitong niligtas at sinabihan na panget matapos ako tapunan ng jacket nang makita na punit ang uniform ko. "20 years old. Tanda ko noon birthday niya ng araw na iyon February 22. Kinontak niya ako para sabihin na magce-celebrate siya kasama ang mga kaibigan niya. Hindi ko siya sinundo 'non at hindi ko inaakala na masasangkot sila sa isang aksidente. Nawalan ng preno ang sinasakyang kotse ni Young master at bumangga iyon sa poste. Hindi na nakaabot sa hospital ang dalawang kaibigan ni young master pero si young master naidala pa namin siya sa hospital." "Ngunit matapos siya madala sa hospital. Iyong mga panahon na nag-aagaw buhay siya doon wala sa mga Sergio ang pumunta," ani ng manong. Bigla akong nakaramdam ng kirot sa dibdib ko matapos marinig iyon. "Malala ang kondisyon ni young master at mas lumala pa iyon matapos malaman na namatay ang dalawang tao na pinakamahalaga sa kaniya. Namatay sa aksidente ang dalawang kaibigan ni young master." Tiningnan ko ulit ang binatilyong nasa portrait. Bigla kong naisip kung buhay siya at siya talaga ang napakasalan ko. May magbabago ba sa buhay ko ngayon? Magiging iba ba siya sa hayop niyang kakambal? Magkakasundo ba kaming dalawa kung babalakin kong baguhin ang masaklap na tadhanang nakalatag sa harap naming dalawa? Gusto ko malaman. Kung may pagkakataon lang ako baguhin ang lahat— kung may pagkakataon lang din na mailigtas kita gusto ko magkaroon ng pagkakataon na pumili. End of the flashback Napatayo ako matapos ma-realize iyon. Tama! Iyong gangster na kapatid ng demonyong tagapagpamana ng mga Sergio. Napaupo ako sa gilid ng kama matapos may ma-realize. Iisang dugo ang nanalaytay ss ugat ng magkapatid na iyon. Paano kung katulad lang din siya ni Charlie? "Pero mas gusto ko pa din subukan. Kailangan kong baguhin ang mga mangyayari at hindi ko malalaman na may pagbabago kung pareho lang din naman na daan ang pipiliin ko," bulong ko bago nilingon ang labas ng glasswall kung saan ko nakikita ang madilim na langit. Ngayon nakabalik na ako. Gagawin ko lahat para mabago ang future. Sa pagkakataon na ito sisiguraduhin kong wala na akong pagsisihan dahil parehong daan na ang tinahak ko. Kung wala pa din magbago at mamatay ako sa kamay ng parehong Sergio. Tatanggapin ko na iyon ng buong puso dahil pinili ko na ito. Binigyan na ako ng pagkakataon na pumili. Kinabukasan, Maaga akong naghanda para pumasok sa klase. Kumuha din ako ng ilang pepper spray. Wala akong idea sa panganib na sinabi ni manong ng araw na iyon pero 100% sure ako na mamatay ang isa sa anak ng mga Sergio ng araw na iyon at kailangan ko siya iligtas. Iyon ang dahilan kung bakit galit na galit sa akin si Charlie. Si Charles dapat ang magpapakasal sa akin pero dahil sa insidente na iyon— si Charlie nga kailangan magpakasal sa akin. Kung hindi mamatay si Charles siguradong siya ang papapuntahin ng matandang Sergio sa bahay at hindi si Charlie. Hinawakan ko ng mahigpit ang pepper spray na hawak ko. Hindi ko alam kung maganda ba itong simula sa pagbabago na balak kong gawin o baka humukay na naman ako bago kong paglilibingan. Si Charles Argen ang kilalang black sheep ng mga Sergio. Wala daw itong puso, arogante at masyadong bad tempered kahit daw babae pinapatulan nito. Ngunit sa tingin ko hindi maikukumpara dito si Charlie Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Iniyukom ko ang kamao ko matapos maalala ko ang mga pang-aabuso ni Charlie. "May dapat pa ba akong katakutan?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD