Charlie’s POV
3 Years Later …
“Anniversary namin ni Lan bukas kaya magpapaalam ako kay Madam.” Bumaling ako kay Nadia na bagong pasok.
“Sana all,” ani ko sa kanya.
“Bakit kasi ayaw mo mag-jowa rin? Daming may gustong mag-take out sa ‘yo.” Naupo siya sa tabi ko. Kakatapos lang niyang mag-perform noon sa stage.
“Hindi ko sila type, e. Saka wala pa sa isipan ko ‘yan.”
Sa totoo lang, gusto ko nang umalis dito bago pa mahuli ang lahat. Gusto ko naman na ang ginagawa ko pero marami na akong realization at bata pa ako. Bente dos pa lang naman ako. Kung gusto kong magkaasawa talaga, dapat hindi na ako magtatrabaho rito. Walang problema sa pera dahil malaki, pero ang tanong kasi, may magandang future pa kayang naghihintay sa akin?
“O, Charlie, maghanda ka na!”
“Yes, Madam L!”
Tumayo na ako at inayos ang sarili para sumunod kay Madam L. Pumuwesto na ako sa gilid noon ng stage. At nang marinig ang pagtawag sa pangalan ko, agad kong tinungo ang entablado at proud na tumayo roon at nag-pose.
Nang magsimula ang erotikong musika ay sinabayan ko iyon. Sa ilang taon ko rito, para bang magaling na ako dahil sa mga galaw ko. Halos lahat ng lalaking nagbabayad ng malaking halaga makakita lang ng mga kagaya kong halos nakahubad ay nakatingin sa akin. At kapag nakikita ko iyon, mas lalo ko lang ginagalaw ang sarili nang malandi at parang nang-aakit.
Pero sa kalagitnaan ng aking pagsasayaw, na sumaktong gumiling-giling ako, nahagip nang paningin ko ang isang pamilyar na mukha.
Paano ko ba makakalimutan iyon? Ang lalaking iyon ang unang pumukaw sa damdamin ko noong pagnanakaw pa ang aking trabaho. Siya rin ang dahilan kung bakit nakulong si Uncle Richie. Pero kahit na ganoon, hindi ko siya nakalimutan dahil naging standard ko siya bilang mapapangasawa. Subalit hindi ko akalaing makikita siya rito.
Nagtama ang paningin namin ng lalaking iyon. Para sa akin, matagal. Malagkit ba naman kung tingnan ako.
Naulit pa ang pagpunta ng lalaking iyon hanggang sa sundan ko siya sa banyo nang gabing iyon. Desidido na ako dahil sa usapan namin ni Ronald. Sa isip ko, siya ang pag-asa ko. Tinuro niya ako kaya nagkaroon ako nang lakas ng loob. Sa tingin ko kasi, gusto niya ako.
Akala ko, papansinin niya ako dahil sa ginawa niyang pagligtas sa akin. Pero tinalikuran niya lang ako. Nawala tuloy ang pag-asa ko nang gabing iyon. Nalungkot ako kaya sobrang tamlay ko na pumasok. Hindi ko na rin nakita si Ayden ng mga sumunod na araw kaya talagang nawalan ako nang pag-asa.
“Sigurado ka bang magpapa-table ka na? Kahit na lumabas?” seryosong tanong ni Madam L.
“Opo.”
“Eh, sige. Pero ipapaalam ko lang kay Ronald.” Tumalikod na si Madam L sa akin.
Parehas na nakatingin sa akin si Flora at Nadia. “Sure na ‘yan?”
Napalabi ako. “Hanggang labas-labas lang naman, ‘di ba?”
Natawa si Flora. “Labas lang? Sure ba na labas lang? Paano kung lumagpas sila?”
“Ayoko nga muna. Kapag ginawa niya, hindi na siya makakaulit.”
“Paano kung sobrang yaman niya?”
“Kahit na.” Naalala ko bigla si Ayden. “Pero kung type ko siya, sige.”
“Simula na ‘yan, girl. Mahahanap mo na rin ang lalaking para sa ‘yo.”
“Sana lang.” ‘Yong gaya sana ni Ayden Santillan. Pakakasalan ko kaagad siya!
Bago ako magperform nang araw na iyon, na-announce na ang tungkol sa bagong serbisyo ko. Kaya naman nagkagulo ang mga kalalakihan. Ako lang kasi ang hindi pa nila naite-table nila o labas man lang dahil sa usapan ni Uncle at Ronald.
Bumalik ako sa dressing room namin para magbihis. At paglabas ko, naghihintay na si Madam para dalhin ako sa magiging customer ko.
Isang hindi katangkaran na lalaki, moreno at may itsura din naman. Pero hindi iyon ang taste ko. Saka mukhang mayaman naman siya.
“Nilo,” pakilala niya sa akin. Nakangiti siya sa akin.
“Charlie,”
“Charlie,” ulit niya. “Bagay sa ‘yo.”
“S-salamat.”
Inalalayan niya akong maupo. Tumabi din siya sa akin kaya hindi ko maiwasang mailang.
Mukha namang mabait si Nilo pero hindi ko talaga type. Mas bata pala siya sa akin ng isang taon. Makwento naman kaya hindi naman nakaka-bore na kasama siya. Napapangiti naman niya ako pero parang may hinahanap ako na iba.
Dahil nasa binayaran niya ang lumabas kami, umalis kami after naming mag-usap. Dinala niya ako sa isang kainan. Mamahalin siya na 24/7 na bukas.
“Anong gusto mo?”
“Kahit ano na lang siguro.” Sanay naman ako sa kahit na ano. Walang kaarte-arte ang bunganga at tiyan ko pagdating sa pagkain.
Nakaramdam ako nang tawag ng kalikasan kaya nagpaalam ako kay Nilo. Hindi yata uso ang pila sa mga mamahaling kainan na ito. Pagdating ko, agad akong nakapasok. Kaya mabilis lang din akong natapos. Pero hindi ko akalaing makikita roon ang ilang linggo ko nang hindi nakikita.
Nagbaba ako nang tingin saka humakbang. Mukhang may hinihintay siya.
Akala ko hindi niya ako makikita, pero bigla siyang nag-angat nang tingin nang tumapat ako sa kanya.
“Customer mo?”
Napalunok ako sa tanong niya. Pero tumango ako para sagutin iyon.
“I thought hindi ka lumalabas.”
Sandali. Nagtanong ba siya dati tapos sinagot nila na hindi? Kaya ba hindi na niya ako pinansin nang gabing iyon?
Sasagot sana ako nang makitang papalapit si Nilo.
“May problema ba rito?” agad na tanong niya, sabay tingin kay Ayden.
“W-wala. Nagtanong lang ako sa kanya,” ani ko na lang dahil sa mga tingin ni Ayden kay Nilo.
“Anong tanong ba ‘yon? Sana sa akin mo na lang itinanong.”
“S-sorry,” ani ko na lang.
Hinigit ni Nilo ang kamay ko para igiya paalis. Pero nabigla ako sa paghawak ni Ayden sa aking braso. Napakunot ng noo tuloy si Nilo nang lingunin ako.
“Pare, ang kamay mo,” mahinahong sabi ni Nilo kay Ayden.
“I’m the one who should be saying that. Para sa kalaman mo, Charlie is mine.”
Napaawang ako ng labi sa sinabi niya. Gusto niya rin ako?
“Hindi ka lang yata nanalo sa bidding kanina kaya mo sinasabi ‘yan.”
Walang sinabi si Ayden. Abala siya sa cellphone niya at mukhang may hinahanap. Pero ang pagkakakhawak niya sa braso ko ay naroon pa rin.
Mayamaya ay dinala ng binata ang cellphone sa tainga.
“Madam L, it’s me.” Tumingin sa akin si Ayden. “Where is she? Balita ko pwede na siyang ilabas?”
Bahagyang umawang ang labi niya dahil nakikinig sa sinasabi ng kausap sa kabila.
“I see.” Saglit niyang tiningnan si Nilo na kunot ang noo. “But I want her. Now.” Sabay tingin sa akin ulit na ikinalunok ko.
Oh my God! Anong want ba ‘yon? Ano ang ibig sabihin no’n? Gusto niya akong ikama?
Nag-ring ang cellphone ni Nilo mayamaya. Dinig ko ang malulutong na mura niya sabay bitaw sa akin nang makausap ang nasa linya. Tiningnan niya nang masama si Ayden bago kami tinalikuran.
Bakit umalis si Nilo? Hindi ba siya ang nanalo?
“No need, Madam L. Sunduin ko na lang siya.” Titig na titig sa akin siya ng mga sandaling iyon hanggang sa matapos na kausapin niya si Madam L.
May naglalaro na sa isipan ko. Pero gusto ko siyang tanungin.
“M-may usapan ba kayo ni Madam?”
Tiningnan lang niya ako pagkalagay niya ng cellphone sa bulsa niya.
“I already paid for you, Charlie. Na-busy lang kaya hindi ako nakabalik sa club.”
Lalong hindi ako makapaniwala sa narinig. Akala ko talaga nakalimutan niya na ako! Hindi pala! Sabi na nga ba, may gusto siya sa akin.
“Let me make one thing clear, Charlie. I bought you to be my bedwarmer. Nothing more, nothing less…”