“Are you two sure na gusto niyo akong samahan para dalawin si Carmela?” Zyrene couldn’t help but ask again her two friend, Mathew and Charlotte. Hindi niya kasi alam na may concern din pala sa katawan ang dalawa. She was driving at the highway to the police station when she asked that. Kasi kung ayaw ng dalawa pwede pa naman siyang bumalik. Ilang minuto pa lang naman silang nabiyahe. Nagkita kita sila after nilang maihatid noon si Carmela sa kulungan. Pumunta agad ang mga ito sa presinto ng mabalitaan na nahuli na nga si Carmela. And now they agreed to be with her, para dalawin nga ang dalaga. “Yes of course.” Mathew nodded his head. “Sa mga naranasan namin sa press nung nakaraan. Alam kong malaking issue itong kinakaharap ni Carmela. She would need a friend by her side.”