SHARLENE HE wants me to be his woman, totally. Wala akong ibang masabi kaya't natulala ako mula sa aking kinauupuan. Wala pa ring nais na magsalita sa amin dalawa, pawang naghihintay kung sino ang mauuna. "Can I get your response?" he asked. Maya maya ay hinawakan niya ang kamay ko at saka niya iyon hinalikan habang nakatingin pa rin sa akin. Tila ba inaakit ako ng paraan ng kanyang paghalik at mula sa aking kamay ay gumapang ang mga munting boltahe ng kuryente mula sa kanyang labi. Gumapang ang kiliting iyon papunta sa iba't ibang parte ng katawan ko at sa puntong ito ay muli akong nabuhayan. "Tomas..." I said bago ako huminga ng malalim. "You know that I am weak, and you know that I can be easily persuaded. So, kung sasabihin mo sa akin na sinsero ka sa mga sinasabi mo ngayon at