SHARLENE KINAUMAGAHAN ay wala na siya tabi ko. Nag-iwan naman siya ng note na susunduin niya ako mamayang bago kami pumasok. Pagkatapos kong maghanda ng aking sarili ay kumain na rin ako ng almusal dahil nagluto rin siya kanina bago umalis. Matapos kong kainin ang masarap na almusal ay tumawag siya. Ang sabi niya ay inimbitahan siyang magsalita sa isang opening ng branch ng isang partner agency and so imbitado rin ako. Naghihintay sa gilid ng kalsada ang isang itim na magarang sasakyan, at binuksan n driver ang pinto nang lumabas ako sa gate ng bahay. Nakita ko sa loob si Tomas. Seryoso lang ang mukha. Pumuwesto ako sa kabilang dulo ng bench seat at inayos ang suot ko. Nakaupo naman si Tomas sa tabi ko at sumara ang pinto, lalo kong napansin kung gaano siya kabango. Nilanghap ko an