PAGBABA nila sa bundok, dumirecho sila sa villa na nirentahan ni Mavi para sa kanilang apat. May tatlong kwarto doon at kinuha ni Baste para sa kanilang dalawa ang master’s bedroom. Pabagsak siyang nahiga sa kama pagkabihis niya matapos maglinis ng katawan. Sobrang sakit ng buo niyang katawan dahil ginawa nilang pagha-hiking na iyon. Pakiramdam niya kahit pain reliever hindi maalis iyon. Buti na lang Sunday bukas at gabi pa sila uuwi sa Manila. Napadpad tingin sa naka-topless na si Baste na naglakad sa harapan niya. Nakita niyang binukas nito ang TV saka naupo dulo ng kama. Agad siyang bumangon ng mag-flashed yung pinapanood niyang korean drama sa TV. Gumapang siya palapit kay Baste at inagaw dito ang remote. “Hindi mo pwedeng ilipat,” aniya dito. “Akala ko ba masakit katawan mo?” Pinat

