WDBHG 47 "Anong ginagawa mo rito?" He asked Rylie matapos niya itong yayain sa loob ng opisina niya. Alam niyang nasa tapat ng pintuan sina Mikael at nakikinig sa kanila, kitang-kita niya sa puwang sa ilalim ng may pinto ang ilang pares ng paa na nasa tapat no'n. 'Mga marites at marissa!' "We need to talk." "About?" Hindi maintindihan ni Rafa, hindi naman sila magkaibigan. They barely said a word to each other noong sila pa ni Zylie. So bakit naisipan ng lalaki na bisitahin siya at kausapin pa? Umiikot ang paningin ni Rylie sa maliit niyang opisina at hindi napigilan ni Rafa ang hindi ma-offend. He is younger than him at nasa teritoryo niya ang lalaki. Hindi porke anak ito ng isa sa mga boss ni Rafa ay pwede na nitong yurakan ang pagkatao niya. Wala itong karapatang maliitin ang nego