WDBHG 50 "We're planning to install CCTV cameras sa lahat ng opisina sa Empire, whether it is a stock room or not." Anunsyo ni Stephen isang umaga habang nag aalmusal sila isang Sabado ng umaga. He's sipping his usual cup of hot coffee habang nagbabasa ito ng newspaper. "Bakit?" Her mom asked her dad. Nakikinig lang si Steffi sa pinag uusapan ng mga magulang niya habang tinitignan niya ang mga nag-viral na topics nitong mga nakaraang araw. Nasa industrya siya kung saan kapag may bagong uso, kailangang alam niya. Kapag may biglang sumikat, kailangang makausap nila, bago pa maunahan ng iba. May hawak siyang tinidor na may nakatusok na hotdog and she's biting on it slowly. Ewan ba naman kung bakit biglang pumasok si Rafa sa isip niya. "Someone decided to have s*x sa fourth floor." Tipid na