WDBHG 66 "Kamusta ka na?" He asked her, awkwardly. Hindi naman siguro nito masisisi ni Steffi dahil kahit naman siguro si Rylie, hindi niya rin gugustuhing mangyari itong usapan na ito. Is it really necessary? Pagkatapos ng mga nangyaring at mga pinag uusap nila sa condo unit niya? Kailangan ba talaga nilang mag usap pa ulit? Ano ito, may part two ang pang aasar nito sa kanya? Ipinaliwanag na sa kanya ng daddy niya na ito ang nakiusap kay Rylie na pumunta sa unit niya para kausapin siya at mapilitan lumabas. Na tila ba alam na alam nilang kayang-kaya siyang bwisitin ni Rylie. Alam din kaya nila ang mga sinabi nito sa kanya? Did they instructed him to tell her those things? Probably not. Hindi naman ganoon mag isip ang daddy niya. Alam naman nito ang mga pinagdaanan niya kay Rylie at si