WDBHG 78 Sa mga sumunod na araw ay naging sobrang abala ni Steffi. Tuloy-tuloy ang shooting ng pelikula ni AJ at kagaya nga ng napag usapan, nililigawan at pinag aagawan siya nina Ainsley at Klein. At kahit hindi naman niya dapat ipaalam sa mga magulang nila, kinausap niya pa rin sina Liam, Brad, Yngrid at Lizzie tungkol doon. Noong una ay ayaw pang pumayag ni Yngrid dahil nadala na ito sa nangyari sa panganay niyang anak na si Amaia ngunit kalaunan ay pumayag na rin ito matapos kausapin ni Ainsley ang Mommy niya. Ipinaalala rin ng tita Lizzie niya sa tita Yngrid nito na anak si AJ ng crush nila dating artista. Gustong-gusto ni Ainsley si AJ pero ayaw rin naman ni Klein na ibigay na lang basta dito ang babae. Alam ni Steffi na hindi si AJ ang gusto ng kapatid ni Jaime, he just don't want