WDBHG 64 "Where's my daughter?!" Malayo pa ay rinig na rinig na nila ang malakas na boses ni Elena Araullo, nanay ni Steffi at asawa ni Stephen. Kasunod nito sila Nhia at Celine, asawa nina Toby Pedroza at Louie Araullo- na tatay ni Rylie. 'Ah, great. Just great. Family drama. His expertise.' "Love," sinalubong at niyakap ito ni Stephen at tuluyan na itong umiyak sa balikat ng asawa. "She's fine. Hindi ba sinabi ko naman sa 'yo, Steffi is strong. And brave. She will never let us down." Pag aalo nito sa asawa. "She is fine? Fine? Stephen, she's unconscious and is inside the operating room and in need of stitching. Tapos sasabihin mo, she's fine?" Naghi-hysterical nitong sabi. Iyon lang ang alam ni Elena Araullo. Paano pa kaya kapag nalaman nitong nasaksak din si Steffi sa balikat? Baka