WDBHG 53 Hindi alam ni Rafa kung bakit siya naimbitahan sa bakasyon na 'yon but he is sure glad he did. Alam niya naman noon pang birthday ni Klein na interesado ang bodyguard ni Zylie kay Steffi. Lalaki rin siya, amoy niya ang mga galawan ni Steve. Wala naman silang relasyon ni Steffi. She's free to flirt with anyone she wanted to flirt with but sometimes, he wish she's not. Ang ikinaiinis niya pa, nandoon naman siya, bakit hindi na lang siya ang harutin ng dalaga, papayag naman siya? Bakit kailangan pang doon sa kupal na 'yon siya nagsasasama samantalang kanina pa siya nagpapapansin dito. Impossible naman na hindi nito alam na nandoon siya. Si Steffi ang unang-una niyang nilapitan pagdating sa resort. Nag hi pa nga siya rito na tinanguan lang siya pagkatapos ay hindi na siya nito pina