WDBHG 85 "Bye Miss Steffi!" Kumaway na lang si Steffi sa papalayong si Livi kasama ang ibang empleyado niya matapos nilang maghiwalay. Sinamahan kase siya ng mga ito hanggang sa makarating siya sa may parking lot ng Araullo network. Gabing-gabi na rin naman kase noon at kakatapos lang nilang mag-meeting na inabot ng hanggang pasado alas onse ng gabi. Hindi naman niya kasalanan, kung tutuusin nga ay mas gusto niyang five p.m pa lang, wala na siya sa opisina. Hindi na siya kagaya ng dati na sa kagustuhan i-please ang ama ay pati mga empleyado niya, nginangarag niya. After everything that happened, narealize ni Steffi na mas importante pa rin ang well-being ng mga tao at dapat masaya ang mga ito sa ginagawa nila. 'Yon nga lang, kailangang-kailangan na mangyari ang meeting na 'yon. Marami